Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Ano ang sinasabi nito?
Hiniling ni David sa Panginoon na magdulot ng kapahamakan at kahihiyan sa mga gumanti sa kanyang kabutihan ng kasamaan. Inaasahan niyang hayagang purihin ang Panginoon para sa pagpapatibay sa kanya.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang Awit 35 ay isang salmo na nagpaparatang kung saan hindi lamang hiniling ni David sa Diyos na talunin ang kanyang mga kaaway kundi pati na rin lubos silang lipulin. Ang palasyo ni Haring Saul ay puno ng mga taong nagbubulungan ng mga kasinungalingan tungkol kay David sa tainga ni Saul. Ang mga lalaking itinuring niyang kaibigan ay nanunuya at nagdaragdag sa kanyang pagkabalisa. Mahalagang tandaan na ang damdamin ni David ay makatao ngunit naaayon sa sukdulang hustisya ng Diyos para sa mga tumatanggi sa Kanyang mga layunin. Yamang si David ang pinahirang hari ng Diyos, kinatawan niya ang hinaharap na layunin ng Diyos para sa Israel. Samakatuwid, ito ay isang pagsusumamo para sa pangalan at layunin ng Diyos na itaguyod. Inilahad ni David ang kawalang-katarungan sa Kanyang makatarungang Diyos at nanalangin ayon sa kalooban ng Diyos na ang masasama ay hindi magwagi laban sa matuwid.
Paano ako dapat tumugon?
Bilang isang bata, malamang na naglaro ka ng "gossip" o "telephone," isang laro kung saan ang isang pabulong na parirala ay inuulit paikot sa isang bilog, kung saan sa dulo nito ay inamg-iba na ang nakakarating na mensahe. Gayundin ang nangyayari sa buhay. Gaano man karaming oras ang ginugugol mo sa pakikipag-usap, pag-tweet, at pag-post, halos imposibleng malutas ang pinsala ng malisyosong usapan. Dagdag pa, kung nauubos ang oras mo sa sinasabi ng iba tungkol sa iyo, malamang na magambala ka sa layuning ibinigay sa iyo ng Diyos. Ang mga espirituwal na labanan ay pinakamahusay na labanan gamit ang mga espirituwal na sandata - panalangin at oras sa Salita ng Diyos. Paano magiging katulad ng panalangin ni David sa talata ngayon ang panalangin mo? Ikaw ba ay itinutulak ng isang pagnanais para sa katarungan o paghihiganti? Mas nababahala ka ba sa iyong reputasyon o sa Diyos? Saliksikin ang Kasulatan upang manalangin ayon sa kalooban ng Diyos at pagkatapos ay ipaubaya ang mga bagay sa Kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
More