Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pitong Tungkulin Ng Banal na EspirituHalimbawa

The Seven Roles Of The Holy Spirit

ARAW 7 NG 7

Ang Banal na Espiritu ang Ating Tagadalisay


Nang ang Espiritu ay dumating sa isang daan at dalawampung disipulo sa Itaas na Silid noong Araw ng Pentecostes, Siya ay nahayag sa dalawang pangunahing paraan: (1) ang tunog ng rumaragasang hangin at (2) ningas ng apoy na mahimalang lumitaw sa ulo ng bawat tao. Hindi natin alam ang eksaktong katangian ng apoy na ito; maliwanag na hindi ito pisikal na apoy o nasunog na ang buhok ng lahat! Ito ay malamang na ang nakikitang pagpapakita ng presensya ng Espiritu. Ngunit higit sa lahat, ang apoy na ito ay kumakatawan din ng kabanalan ng Diyos.


Handa ka bang payagan ang Diyos na dalisayin ka, kahit na sa mga tagong lugar? Ipagpalagay na nakatira ka sa iisang bahay sa loob ng dalawampu't apat na taon at nagpasya kang lumipat. Ang proseso ng pag-iimpake at paglilinis ng bahay na iyon ay hindi madali. Isipin kung ano ang makikita mo kung hihilahin mo ang iyong refrigerator mula sa dingding upang ilagay ito sa sasakyang maglilipat ng mga gamit.


Matagal na itong nasa parehong sulok ng kusina. Walang sinuman ang nagwalis sa ilalim nito. Ang tile ay maaaring maging marumi. Ang sahig ay maaaring nababalutan ng mga patong-patong ng dumi, alikabok, ligaw na balat ng mani, mga butil ng bulok na pagkain, nawalang mga tali ng buhok, balahibo ng aso, at hindi kilalang mga mantsa na nandoon ng higit sa dalawang dekada. Kadiri! Mangangailangan ito ng ilang espesyal na paglilinis upang maihanda ang iyong bahay para sa isang bagong may-ari.


Ito ay isang nakakatakot na pag-iisip, ngunit maaaring mayroon kang mga lugar na tulad nito sa iyong sariling buhay. Minsan ay itinatago natin ang ating mga lihim na kasalanan sa mga pribadong silid. Alam natin kung paano itago ang ating mga pangit na ugali. Ngunit kapag ang Espiritu ay dumating sa kapangyarihan, Siya ay dumarating upang linisin tayo sa ating mga dungis at karumihan.


Inililipat Niya ang mga kasangkapan sa ating buhay upang linisin tayo sa sama ng loob, galit, kahihiyan, nakakahumaling na pag-uugali, at marami pang ibang bagay na maaaring lumikha ng distansya sa pagitan natin at ng Diyos. Hinihikayat ko kayong buksan ang inyong puso sa apoy ng Espiritu.


Banal na Kasulatan

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Seven Roles Of The Holy Spirit

Sa pitong araw na debosyonal na ito batay sa aklat na Set My Heart on Fire ni J. Lee Grady, makikilala mo ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya ang Espiritu ng Diyos. Walang limitasyong ang Kanyang kapan...

More

Nais naming pasalamatan si Lee Grady at ang Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/heartonfirekindle

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya