Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bakit Isinilang si JesusHalimbawa

Why Jesus Was Born

ARAW 4 NG 5

Nagliliwanag

Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw. (Juan 1:5)

Nakita natin sa mga naunang araw kung paano tayo dinala ni Marcos sa "Simula ng ebanghelyo." Ngagon, dinadala tayo ni Juan sa pinakasimula sa pamamagitan ng pagbubukas sa parehong mga salita mula sa Genesis: “Sa simula.” Bagama't walang anumang salaysay si Juan tungkol sa kapanganakan ni Jesus, binibigyan niya tayo ng tunay na konteksto para sa pagsilang na iyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ating pananaw na kasinglawak ng sandaigdigan.

Si Juan ay nagsasalita tungkol sa "Salita" ng Diyos. Sa Griyego ito ang salitang Logos. Ang logo para sa mga Griyego ay ang sukdulang prinsipyo ng pag-oorganisa. Dito, ginamit ni Juan ang ideyang iyon, na may napakahalagang pagkakaiba. Ang tunay na Logos ay hindi isang malabong puwersa ng kosmiko. Ito ang Anak ng Diyos na kalaunan ay nagkatawang-tao bilang si Jesus ng Nazaret.

Noong binasa natin sa Genesis 1 ang “Magkaroon ng liwanag . . . Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga . . Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay . . ." ito ang Anak ng Diyos na nagsasalita. Ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay pawang aktibo sa paglikha ng sansinukob, ngunit ang Logos—ang Salita—ng Diyos ang siyang nagbigay ng mga utos.

Siya ang Buhay ng sangkalawakan. At siya ang Liwanag na nagniningning. Sa kanyang komentaryo The Gospel of John, binibigyang-diin ni Frederick Dale Bruner ang kasalukuyang panahunan ng pandiwang iyon: ang Liwanag ay sumisikat. Ito ay patuloy. Hinding-hindi ito titigil. At hinding-hindi ito aalisin ng kadiliman ng kasamaan. Kung minsan, ang kadiliman ng mundong ito'y nakakawasak. Pero sinasabi sa atin ng ebanghelyo na wala itong laban sa Liwanag! 

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Why Jesus Was Born

Bakit ipinanganak si Jesus? Maaaring tila isang simpleng tanong, masyadong pamilyar na upang pag-isipan. Ngunit habang naghahanda ka para sa Pasko sa taong ito, maglaan ng oras para pag-isipan ang malalim na kahulugan at layunin ng kapanganakan ni Jesus para sa iyong buhay, at para sa buong mundo. Ang 5 araw na seryeng ito ay isinulat ni Scott Hoezee, at isang sipi mula sa Words of Hope na araw-araw na debosyonal.

More

Nais naming pasalamatan ang Words of Hope sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://woh.org/youversion