Bakit Isinilang si JesusHalimbawa

Sa Iyo
Isinilang ngayon . . . ang inyong Tagapagligtas. (Lucas 2:11)
Tatlumpung taon na ang nakalilipas sa buwang ito ay ipinanganak ang aming anak na babae. Ako ay naglilingkod bilang isang pastor at dahil ang kapanganakan ay naganap sa madaling araw ng araw ng Linggo, isang retiradong pastor ang pumalit sa akin upang mangaral. Sa simula ng pananambahan, isang anunsyo ang ginawa: “Sina Rev. Hoezee at Rosemary ay may bagong sanggol na babae kaninang umaga.” Ngunit hindi ba magiging kakaiba kung sinabi niya sa kongregasyon, “Ngayong umaga ay ipinanganak sa inyo ang isang bata”? Ang aming anak na babae ay ipinanganak sa aking asawa at sa amin. Ngunit hindi siya isinilang “sa” buong simbahan, o kaninuman.
Ngunit iyan ang sinabi ng anghel sa mga natakot-sa-kanilang mga pastol: Isang Tagapagligtas ang isinilang “sa inyo.” Ngunit paano ito mauunawaan? Ito ay sanggol ni Maria at kay Jose rin (bagaman hindi sa karaniwang kahulugan). Ngunit hindi ito ang sanggol ng mga pastol. Hindi sila ang magpapalit ng lampin nito. Hindi nila pakakainin at palalakihin ang bata. Bibisitahin nila ang bata at pagkatapos ay babalik na sila sa kanilang mga tupa.
Kaya nga lamang, si Jesus ay hindi ordinaryong sanggol. Dumating Siya para sa lahat. Ipinanganak Siya sa ating lahat. Hindi Siya ang sanggol ng mga pastol, ngunit Siya ang kanilang Tagapagligtas. Siya ay naparito para sa kanila, mababa at hinahamak at isinasantabi man sila noong mga panahong iyon. “Sa iyo.” Napakadali nating sabihin ang mga salitang iyon. Ngunit naglalaman ang mga ito ng diwa ng ebanghelyo!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Bakit ipinanganak si Jesus? Maaaring tila isang simpleng tanong, masyadong pamilyar na upang pag-isipan. Ngunit habang naghahanda ka para sa Pasko sa taong ito, maglaan ng oras para pag-isipan ang malalim na kahulugan at layunin ng kapanganakan ni Jesus para sa iyong buhay, at para sa buong mundo. Ang 5 araw na seryeng ito ay isinulat ni Scott Hoezee, at isang sipi mula sa Words of Hope na araw-araw na debosyonal.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Masayahin ang ating Panginoon

Sa Paghihirap…

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Ang Kahariang Bali-baliktad

Ang Mga Parables ni Jesus

Prayer

Nilikha Tayo in His Image

Ang Kwento ng Naglayas na Anak
