Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nabagong Pamumuhay: Kapag Ikaw ay Walang AsawaHalimbawa

Living Changed: When You’re Single

ARAW 3 NG 5

Layunin


Sinasabi sa atin ng lipunan na kailangan nating magkaroon ng sariling tahanan, magmaneho ng nararapat na kotse, magtatag ng karera, magpakasal, at magsimula ng pamilya. Madalas natin itong marinig kaya ating naiisip na kapag nakuha na natin ang mga bagay na iyon, mararamdaman natin ang katuparan. Ngunit hindi tayo nilikha ng Diyos upang habulin ang kahulugan ng mundo ng isang perpektong larawan ng buhay. Nilikha tayo para sa mas malaking layunin.



Napakaraming oras ang nagamit ko sa pananabik para sa isang asawa at gumugol ng mga araw sa pangangarap. Ito ay isang malungkot at miserableng paraan ng pamumuhay. Nang magpasya akong tumingin sa labas ng aking sarili at maglingkod sa simbahan, natagpuan ko kung ano ang gusto ko: Gustung-gusto kong kumonekta sa mga tao at hikayatin ang mga kababaihan na palalimin ang kanilang pagkakakilanlan kay Cristo. Sa pamamagitan ng paglilingkod, nagkaroon ng bagong kahulugan ang buhay ko. Bigla akong nag-alab para sa Diyos sa mga paraang hindi ko pa nararanasan noon at natagpuan ko ang tunay na kagalakan. Gusto ko pa ring humanap ng mapapangasawa, pero hindi na ito mabigat sa aking puso. Ang aking pinakamalaking hangarin ay hindi na marinig ang “Oo,” sa halip ay marinig ang “mabuti at tapat kong lingkod.”



Nilikha ng Diyos ang bawat isa sa atin upang gumanap ng isang espesyal na papel sa Kanyang Kaharian, at ito ay matutupad lamang kapag tayo ay nabubuhay sa pagkatawag sa atin. Lahat tayo ay may kakaibang talento, karanasan, at kakayahan na tumuturo sa layuning ibinigay ng Diyos sa atin. Ang ilan ay tinawag sa buong-panahong ministeryo. Ang iba ay tinawag na maging liwanag sa mundo ng korporasyon. Bagama't maaaring iba ang hitsura ng pamamaraan sa bawat tao, bilang mga tagasunod ni Cristo, lahat tayo ay tinawag upang abutin ang mga tao para kay Jesus. Hindi binabago ng ating katayuan sa pag-aasawa ang misyon na iyon. 



Sa aklat ng Mateo, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na gumawa ng mga disipulo at turuan silang sumunod sa Kanyang mga utos. Hindi Niya sinasabi na maghintay hanggang maikasal at pagkatapos ay maaari mo na talagang simulan ang iyong ministeryo. Sinasabi lang Niya na "humayo ka.” 



Kung hindi ka sigurado kung paano ka tinawag ng Diyos upang maglingkod sa Kanyang Kaharian, hilingin sa Kanya na ipakita ito sa iyo. Samantala, simulan mo lang maglingkod sa isang lugar. Huwag maniwala sa mga kasinungalingan na hindi ka mahalagang bahagi ng simbahan at hindi ka makakagawa ng pagbabago habang ikaw ay walang asawa. Nakikita ka ng Diyos bilang pinili, pinahiran, at binigyang-kakayahan—hindi balang araw, ngunit ngayon. Ang espirituwal na kapanahunan ay hindi nagmumula sa resulta ng pagbabago sa estado ng relasyon. Dumarating ang espirituwal na kapanahunan bilang resulta ng isang ugnayan kay Jesus.



Maaaring isang araw, tawagin ka ng Diyos sa pag-aasawa. Kung iyon ang nais mo, ipagdasal mo ito. Hindi masama na ipagdasal ang isang asawa, ngunit huwag hayaan na ang pagnanais na ito ay humadlang sa iyong paglago sa pananampalataya ngayon at akayin ang iba na gawin din ito. Gaya ng sinasabi sa Kawikaan 16:9, maaari tayong gumawa ng ating mga plano, ngunit sa huli, ang Diyos ang nagpapasiya ng ating mga hakbang. Paglingkuran Siya sa lahat ng mayroon ka ngayon, at magtiwala na aakayin ka Niya sa tamang landas sa tamang panahon. 



Tawagin man tayo upang magkaasawa o hindi, hinihiling sa atin ng Diyos na humakbang sa ating pagkatawag ngayon. Maikli lamang ang panahon natin sa mundong ito, at hindi natin maaaring pahintulutan ang ating katayuan sa relasyon na pigilan tayo sa pagtupad sa layunin ng Diyos sa ating buhay. Kung kaya, humayo ka! 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: When You’re Single

Lahat tayo ay may mga inaasahan kung ano ang magiging takbo ng ating mga buhay. Marahil ay inasahan mong ikinasal ka na ngayon, sa halip ay nakadarama ka ng kalungkutan, pagkaligaw, o kawalan ng pag-asa. Ang totoo, hindi...

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya