Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nabagong Pamumuhay: Kapag Ikaw ay Walang AsawaHalimbawa

Living Changed: When You’re Single

ARAW 2 NG 5

Pagpapatawad


Bilang isang walang asawa ngunit nasa hustong gulang, maaari tayong makaramdam na waring itinakwil ng lipunan. Nagtatanong ang mga tao kung bakit mag-isa pa rin tayo na parang may mali sa atin. Bagama't walang masama sa pagiging dalaga o binata, ang ilan sa atin ay eksperto na sa pagkimkim ng sakit at pagtutulak sa mga tao palayo. Upang maging matagumpay tayo sa mga relasyon, kailangan nating matutong magpatawad.



Alam ko kung ano ang pakiramdam na itaboy ang lahat dahil sa naranasang sakit. Noong ako ay 6 na taong gulang, ako ay sekswal na inabuso. Naniwala ako sa kasinungalingang ito'y kasalanan ko. Pakiramdam ko na ako ay marumi, nasira, at hindi karapat-dapat sa pag-ibig. Sa aking sobrang kahihiyan, itinago ko ang totoong ako at hinding-hindi ko hinayaang mapalapit sa aking damdamin ang sinuman. Nagnais ako ng koneksyon, ngunit nangamba rin ako rito. Nakapanakit pa nga ako ng iba dahil nasasaktan ako. Ang akala ko kailangan ko muna silang saktan bago nila ako saktan. 



Bilang isang may sapat na gulang, sinimulan ko ang proseso ng paghilom upang lunasan ang aking matinding takot at mga sugat sa pagkabata mula sa mga nakaraang relasyon. Kinailangan kong magpagaling mula sa pagtatakwil, kahihiyan, kawalan ng kapanatagan, at mababang pagpapahalaga sa sarili. Sa pamamagitan ng prosesong iyon, natutunan kong hindi ko kailangang hayaang makaapekto sa aking mga relasyon ngayon ang nangyari sa aking noong pagkabata. Maaari kong piliin na magpatawad. Maaari kong piliin na hayaan ang Diyos na pagalingin ang aking puso. 



Ito ay lubhang napakahirap, at hindi ito nangyari nang magdamag, ngunit pinatawad ko na ang mga salarin na nang-abuso sa akin noong ako ay bata pa. Nagawa ko na ring patawarin ang aking sarili sa mga bagay na nagawa ko sa iba dahil sa aking nararamdamang kirot. Ang pagsasanay na magpatawad ay naging posible para sa akin na magkaroon ng mas malusog na mga relasyon ngayon.



Ang pagpapatawad ay mahalaga sa ating kaugnayan sa Diyos at sa iba. Marahil ang iyong nakaraang pasakit ay katulad ng sa akin, o marahil ay nakaranas ka ng ibang kirot. Marahil ang iyong ama ay hindi kailanman nagsalita ng mabuti sa iyo o ikaw ay pinagtaksilan ng dati mong kasintahan. Anuman ang nangyari sa iyong nakaraan na nagpapahirap sa iyo na magtiwala sa iba, dapat mong pahintulutan ang Diyos na pagalingin ang mga sugat na iyon upang ikaw ay makapagpatawad.



Tinatawag tayo ng Diyos na magpatawad sa iba, tulad ng labia na pagpapatawad sa atin. Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugan na ang nangyari ay ayos lamang o hindi ito mahalaga. Ang pagpili na patawarin ang isang tao sa pananakit na dulot nila ay nagpapalaya sa iyo mula sa pagkaalipin. Hilingin sa Diyos na tulungan kang gumaling at magpatawad nang sa gayon makatuntong ka sa mga mas malusog na relasyon.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: When You’re Single

Lahat tayo ay may mga inaasahan kung ano ang magiging takbo ng ating mga buhay. Marahil ay inasahan mong ikinasal ka na ngayon, sa halip ay nakadarama ka ng kalungkutan, pagkaligaw, o kawalan ng pag-asa. Ang totoo, hindi...

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya