Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Muling Pagtuklas sa KapaskuhanHalimbawa

Rediscovering the Christmas Season

ARAW 24 NG 25

Mahal na Mahal

Pagkahantad: Ang Bisperas ng Pasko ay ang huling araw ng Adbiyento. Isang talata ang mahusay na nagbuod nito. Basahin ang Juan 3:16. Gumawa ng isang malaking poster o tanda nito gaya ng nakikita mo sa mga larong pampalakasan o stadium at ipaskil ito sa labas ng iyong bahay.

Pagtuklas: Nadarama mo bang mahal na mahal ka ngayon?

Pagpapahayag: Sabihin nang malakas ang talatang ito. Isaulo ito kung hindi mo pa nagagawa. Ano ang pinakamahalagang sandali mo sa pagiging isang taga-sunod ni Jesus? Ano ang iyong pinakamasamang sandali bilang isang taga-sunod ni Jesus?

Karanasan: Pagnilayan ang iyong mga karanasan sa panahon ng Kapaskuhan na ito. Dumalo sa isang pananambahan sa Bisperas ng Pasko kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Rediscovering the Christmas Season

Magsimula ng isang bagong tradisyon ng Pasko na may hindi tradisyonal na twist sa panahon ng Adbiyento. Ang tamang-tamang petsa para simulan ang kaugalian na ito ay Disyembre 1, samantalang ang mas maagang pagsisimula ay magbibigay nang mas nakakarelaks na bilis. Isama ang mga tanong para sa pagninilay at mga hakbanging kailangang gawin upang ang bawat araw ay nakasentro kay Cristo. Mahusay para sa mga individwal, pamilya o maliliit na grupo.

More

Nais naming pasalamatan ang LifeChurch para sa kanilang pagbibigay balangkas para sa -Muling Pagtuklas sa Kapaskuhan. Para malaman ang higit pa tungkol sa LifeChurch, bisitahin ang kanilang website sa www.life.church