Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakal Ang Nagpapatalas sa Kapwa Bakal: Isang Buhay-sa-Buhay na Pagtuturo sa Lumang TipanHalimbawa

Iron Sharpens Iron: Life-to-Life® Mentoring in the Old Testament

ARAW 3 NG 5

Ika-3 na araw: Si Naomi at si Ruth 



Tulad ng paggamit ng Diyos kay Moises para itaguyod si Josue bilang magiging pinuno ng Kanyang bayan, ginamit din ng Diyos si Naomi na sumama sa kanyang manugang na si Ruth sa isang napakarupok at mahinang panahon sa kanyang buhay.   



Mababasa natin ang tungkol sa kanilang kuwento sa apat na kabanata ng aklat ni Ruth. Ito ay naganap noong panahon ng mga Hukom matapos manirahan ang mga Hebreo sa lupang pangako ngunit bago nila koronahan ang kanilang unang hari. Dahil sa taggutom sa lupain, si Elimelec, ang kanyang asawa, si Naomi, at ang kanilang dalawang anak na lalaki ay lumipat mula sa Betlehem patungong Moab.



Hindi nagtagal pagkatapos ng paglipat, sumapit ang trahedya nang pumanaw si Elimelec. Ang dalawang anak na lalaki ni Naomi ay nagkaasawa ng mga babaing Moabita, at muli ang trahedya nang mamatay ang dalawang anak na lalaki. Ang isang asawang babae ay nanatili sa Moab, habang ang isa, si Ruth, ay sumunod sa kanyang biyenan pabalik sa Bethlehem. 



Si Ruth, isang estranghero sa Juda, ang lupain ng kanyang asawa, ay nanatiling malapit kay Naomi, na naging tagapagturo sa kanya. Kung iisipin mo, magkaibang-magkaiba ang dalawa. Ang isa ay matanda, at ang isa ay bata pa. Sila ay nagmula sa iba't ibang pinagmulang etniko, kultural, at relihiyon. 



Ngunit sa pagbabasa ng kanilang kuwento, makikita natin ang isang malusog na pagtutulungan. Nasaksihan din natin si Ruth na pumasok sa isang pakikipagtipan kay Naomi, na kasama ang taos-pusong pangako ni Ruth: “Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang magiging aking Diyos. Kung saan kayo mamatay, doon ako mamamatay, at doon din ako malilibing. Parusahan sana ako ni Yahweh ng pinakamabigat na parusa kung papayagan kong magkalayo tayo maliban na lamang kung paghiwalayin tayo ng kamatayan!"



Sa paglalahad ng kuwento, si Naomi ay lumakad kasama ni Ruth hanggang magkita si Ruth at pumasok sa isang lumagong relasyon sa isang lalaking nagngangalang Boaz. Ang kanyang pagtuturo ay hahantong sa kasal nina Ruth at Boaz. Si Ruth ay magiging lola sa tuhod ni Haring David, at sa gayon ay isang ninuno ni Jesus na Mesiyas!



Ang kanilang kuwento ay nagpapaalala sa atin na ang mga relasyong buhay-sa-buhay at mula sa iba't ibang henerasyon ay may kapwa benepisyo. Kailangan talaga natin ang isa't isa! Ang isang buhay-sa-buhay na paggawa ng disipulo ay ganoon lang, ang bawat isa ay nagbabahagi ng kanyang buhay sa isa't isa—"gumawa ng buhay nang magkasama." Gaya ng nakikita natin sa kaso nina Naomi at Ruth, ang gayong mga relasyon ay maaaring lumitaw pa nga mismo sa ating sariling mga pamilya! 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Iron Sharpens Iron: Life-to-Life® Mentoring in the Old Testament

Inaasam mo ba na "makagawa ng mga alagad na gagawa ng iba pang mga alagad," upang sundin ang utos ni Jesus sa Dakilang Komisyon (Mateo 28: 18-20)? Kung gayon, maaaring natuklasan mo na mahirap makahanap ng mga huwaran pa...

More

Nais naming pasalamatan ang The Navigators sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.navigators.org/youversion

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya