Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakal Ang Nagpapatalas sa Kapwa Bakal: Isang Buhay-sa-Buhay na Pagtuturo sa Lumang TipanHalimbawa

Iron Sharpens Iron: Life-to-Life® Mentoring in the Old Testament

ARAW 1 NG 5

Araw 1: Sina Abraham at Lot



Si Abraham ay nagbibigay sa atin ng isa sa pinakaunang halimbawa ng pagtuturo sa Lumang Tipan. Siya ay naglakad kasama ang kanyang pamangkin na si Lot, na sumunod sa kanya palabas ng kanilang bayang Ur, patungo sa isang bagong lupain na ipinangako ng Diyos sa kanila. 



Sa simula pa lang, si Abraham ay naging tagapagturo sa pamamagitan ng sariling halimbawa. Pinanood ni Lot si Abraham noong siya ay nakipagtagpo, nakinig, at nakipag-usap sa Diyos. Pinanood niya kung paano gumawa si Abraham ng mga altar para sa Diyos na nagpakita sa kanya. Naobserbahan ni Lot kung paanong si Abraham ay ganap na umaasa sa Diyos, na Siya ring pagkakatiwalaan niya.



Yamang sila ay kapwa pinasagana ng Diyos, dumating ang panahon na ang lupaing tinitirhan nila ay hindi na kayang isustento ang kanilang mga kawan, langkay at mga tolda kaya sila ay kinailangang maghiwalay. Mapagbigay na inanyayahan ni Abraham si Lot na unang pumili kung saan niya gustong manirahan habang si Abraham ay nanirahan sa ibang lugar.



Pansinin mo kung paano binantayan ni Abraham ang kanyang pamangkin. Dumating siya upang iligtas si Lot nang siya ay naharap sa krisis, at siya at masidhing namagitan para kay Lot at sa kanyang pamilya nang harapin niya ang iba na namang krisis.  



Anu-anong mga praktikal na aral sa buhay-sa-buhay na pagtuturo ang matututunan natin sa kanilang relasyon? Una, huwag mong maliitin ang kapangyarihan ng sariling halimbawa! Sa iyong halimbawa, matuturuan mo ang marami, lalo na ang mga taong mas malapit sa iyo. 



Ikalawa, kailangan nating hayaan ang ating mga tinuturuan na gumawa ng sarili nilang landas. Kaunti lang ang panahon nating kasama sila at dapat nating ipaubaya sila sa pag-aalaga ng Diyos sa kalaunan. Minsan, sila ay gagawa ng mga mali o nakakalungkot na mga desisyon (Genesis 19:8, 33,34). Kasabay nito ay ang hindi lubusang pagbibitaw natin sa kanila. Tayo ay mananatiling handa na gamiting instrumento ng Diyos upang magsalita ng katotohanan sa kanilang mga buhay, na gawin lahat ng ating makakaya upang sila ay mamuhay ng mahaba at masaganang mga buhay para sa Panginoon. 


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Iron Sharpens Iron: Life-to-Life® Mentoring in the Old Testament

Inaasam mo ba na "makagawa ng mga alagad na gagawa ng iba pang mga alagad," upang sundin ang utos ni Jesus sa Dakilang Komisyon (Mateo 28: 18-20)? Kung gayon, maaaring natuklasan mo na mahirap makahanap ng mga huwaran pa...

More

Nais naming pasalamatan ang The Navigators sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: https://www.navigators.org/youversion

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya