Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nawawalang KapayapaanHalimbawa

Missing Peace

ARAW 4 NG 7

Kapayapaan sa Paghihintay 



Kahapon, pinag-usapan natin ang paghahanap ng kapayapaan sa mga pangako ng Diyos, subalit mas mahirap pa kung ikaw ay nasa kalagitnaan ng paghihintay sa Diyos. Tayo ay nakaranas na ng mga panahon na parang ang Diyos ay nagpapakita sa lahat at hindi sa iyo. Marahil ay wala ka pa ng trabahong iyon. Marahil ay gusto mo nang mag-asawa, subalit ang iyong pag-asa ay tila lumiliit kaysa dati. O marahil ikaw ay naghihintay sa isang anak samantalang parang may mga anunsiyo ng pagbubuntis araw-araw.



Anuman ang iyong hinihintay, dapat malaman na hindi ka nakalimutan ng Diyos. Kasama mo Siya sa paghihintay. Sa katunayan, ang panahon ng Adbiyento at Kapaskuhan ay nabuo sa paghihintay—paghihintay sa Prinsipe ng Kapayapaan na pumasok sa mundo at iligtas ang lahat ng sangkatauhan mula sa kasalanan. 



Naiisip mo ba kung ano ang pakiramdam ng ganoong katagal na paghihintay? Humigit-kumulang 750 taon ang nagdaan sa pagitan ng pagsulat ng propesiya tungkol kay Jesus sa Isaias 9:6 at sa kapanganakan ni Jesus. Sa loob ng maraming siglo, ang mga tao ay naghintay, hindi tiyak kung kailan (o kung) ang Diyos ay talagang tutuparin ang Kanyang mga pangako. Pagkatapos ay ipinadala Niya ang Kanyang Anak, si Jesus!



At ngayon? Hindi na tayo kailangang maghintay pa para sa katuparan ng ating kapayapaan. Subalit naghihintay pa rin tayo sa Kanyang ikalawang pagdating, inaasam ang araw na ang ating Diyos ay gagawing tama ang lahat ng mga mali. 



Kaya, sa ating wasak na mundo, nararanasan natin ang mga panahon ng paghihintay. Subalit alam natin na ang ating mga panahon ng paghihintay ay hindi nasayang na mga panahon. Bagamat ninanais sana natin na humantong na kaagad sa katuparan ng ating inaasam, doon sa kalagitnaan ng ating paghihintay mapagtatanto natin kung sino ang ating sasambahin. 



 Tanungin ang iyong sarili: Mas inaalala ko ba na makuha ang bagay na gusto ko kaysa sa makilala ang Diyos? 



Ito ay isang mahirap na tanong, subalit ito ay karapat-dapat na itanong dahil ito ay naghahayag kung sino at ano ang ating sinasamba. 



Ngayon, ito ang maganda: Ayos lang na madismaya at dumaing sa Diyos kung hindi mo maunawaan ang Kanyang tiyempo. Sa katunayan, malugod Niya itong tinatanggap. Subalit ang ating panahon ng paghihintay ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng mga bagay na ating inaasam. Ito ay tungkol sa paglalagak ng ating pag-asa at tiwala sa Diyos. 



Kaya marahil maari mong iangkop ang iyong panahon ng paghihintay. Sa halip na ituon sa paghihintay, baguhin ang iyong isip sa pag-aalaala—pag-aalaala kung sino ang Diyos, lahat ng Kanyang ginawa, at kung ano ang alam mong totoo sa Kanyang katangian. 



Kung ikaw ay nakikipaglaban upang mahanap ang kapayapaan habang ikaw ay naghihintay, alamin ito: 



Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad, ay itong si Yahweh, kung nais maligtas;
sa gawain niya, ang Diyos nagagalak. Kahit na mabuwal, siya ay babangon, pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.
Mga Awit 37:23-24 RTPV05

Ang Diyos ang namamahala sa iyong kuwento, at ang bawat detalye ay mahalaga sa Kanya. Itinataas Ka Niya kung ang mga bagay ay nagiging mahirap. At Siya ay nalulugod sa iyo. 



Huwag magmadali sa proseso ng paghihintay. Sa halip, hanapin ang kapayapaan sa proseso sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon na huminto at tuklasin kung ano ang itinuturo ng Diyos sa iyo. Kaya, ngayon, magnilay sa mga tanong na ito habang ikaw ay naghihintay: 




  • O Diyos, ano ang ipinapakita Mo sa akin sa paghihintay na ito? 

  • Paano ko babawiin ang sandali ng paghihintay na ito para sa Iyong kaluwalhatian at sa kabutihan ng iba?

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Missing Peace

Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang nai...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya