Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Nawawalang KapayapaanHalimbawa

Missing Peace

ARAW 5 NG 7

Kapayapaan Kasama ang Diyos 



Pinag-usapan natin ang tungkol sa pag-aalaala sa mga pangako ng Diyos at sa katangian ng Diyos, subalit paano kung hindi ka makaramdam ng kapayapaan sa Diyos? Marahil ikaw ay naghihinanakit sa Diyos dahil pakiramdam mo ay binigo ka Niya kamakailan lang. O marahil ikaw ay dismayado lamang dahil hindi ka makapaniwala na ang Diyos na maibigin ay pinapayagan ang ganyang paghihirap sa mundo. 



Ito ang kailangan mong malaman: Kayang batahin ng Diyos ang buong puwersa ng iyong mga nararamdaman. 



Mas gusto Niya na sabihin mo ang iyong mga alalahanin sa Kanya sa halip na lumayo sa Kanya. Sa katunayan, hinahabol ka ng Diyos nang buong puso kung kaya ipinadala Niya ang Kanyang sariling Anak sa mundo upang magbigay ng daan patungo sa kapayapaan para sa iyo. 



Kung wala si Jesus, tayo ay hiwalay sa Diyos dahil sa ating kasalanan. At ang Diyos, bilang maibiging Ama, ay nagnais na magkaroon ng kaugnayan sa atin. Kaya gumawa Siya ng daan: 



Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan; ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya, at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. Isaias 53:5 ABTAG 

Ibinalik ni Jesus ang kapayapaan sa ating kaugnayan sa Diyos, ang ibig sabihin tayo ay may buo at may malayang paglapit sa pamamagitan ni Jesus sa ating Ama na umiibig sa atin, nagpapatawad sa atin, at nagmamalasakit sa atin. Okey lang na magalit sa Kanya kung hindi nasusunod ang gusto natin—huwag lamang payagan na ang sakit ng iyong sitwasyon ay magpalabo sa kabutihan ng Kanyang katangian. 



Si Pastor Amy Groeschel ay nagsabi ng ganito: “Kailangang sabihan natin ang sakit ng ating mga damdamin na sa kung ano ang alam natin na sa pamamagitan ng pananampalataya ay totoo.” 



Ang iyong mga nararamdaman ay tunay, subalit huwag mo silang bigyan ng katagumpayan laban sa iyo. Sa katunayan, ang Mga Awit 46:10 ay puno ng mariing mga paalala: 



Sinabi Niya, “Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.” Mga Awit 46:10 ABTAG

Ito ay nagtuturo sa atin na tumigil at kilalanin na Siya ang Diyos. Hindi nito sinabi, “Magsitigil kayo at damahin” na Siya ang Diyos. Ang ating mga damdamin ay tunay, subalit hindi sila laging nakaugat sa katotohanan. Gayunpaman, ang Diyos ang layunin ng ating pananampalataya, ito ay palaging matatag at totoo, upang magamit natin ang ating pananampalataya para salain ang ating mga damdamin.



Hindi ito nangangahulugan na hindi natin kailanman kukuwestiyunin ang Diyos. Ang mga salmo ay puno ng mga pagtangis ni David at ng iba pa sa Diyos, nagmamakaawa sa Kanya na baguhin ang mga sitwasyon, at nagtataka kung ang Diyos ba ay nakikinig. Subalit, sila ay palaging bumabalik sa katotohanan—na ang Diyos ay mabuti. Siya ay mayroong magagandang plano para sa atin. Siya ang may kontrol. At Siya ay karapat-dapat sa ating pagsamba at pagtitiwala. 



Kung nadarama mo na ikaw ay walang kapayapaan sa Diyos ngayon, ipaalam sa mga damdaming iyon ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos. At tandaan ang mabuting balitang ito: Si Jesus ang ating daan patungo sa kapayapaan sa Diyos. Siya ang gumawa para sa atin. At Siya ay nagbayad ng buong halaga para sa kapayapaan.


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Missing Peace

Posible bang maranasan ang kapayapaan kung ang buhay ay puno ng pasakit? Ang maikiling sagot: oo, subalit hindi sa ating sariling kakayahan. Sa isang taon na nag-iwan sa atin ng labis na kaguluhan, marami sa atin ang nai...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya