Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Namumuhay na Binago: Pagyakap sa PagkakakilanlanHalimbawa

Living Changed: Embracing Identity

ARAW 4 NG 6

Pagpili na Maging Bahagi ng Kanyang Plano  



Kapag tayo ay sumasang-ayon sa mga bansag na inilagay sa atin o naniwala na hindi tayo sapat, hindi natin matatamo ang magandang buhay na nais ng Diyos para sa atin. Nilikha niya ang bawat isa sa atin na may espesyal na pinaghalong mga katangian, kalakasan at talento, at mithi Niya na pipiliin nating gamitin ang mga ito para sa Kanyang kaharian. Subalit, kung tayo ay masyadong nakatuon sa mga bagay na nakapagnanakaw ng ating kumpiyansa sa sarili, iyong mga negatibong kaisipan at emosyon na iyon ay madaling makapaglilihis sa atin mula sa Kanyang layunin para sa atin.



Ilang taon nang nakalilipas, nabalitaan ko ang isang pang-kababaihang Bible study na nais ko sanang daluhan. Hiyang-hiya ako na muntik nang hindi ako pumunta. Sabi ko sa sarili ko na hindi nila gusto ang isang matabang maybahay na wala namang maiaambag na kapaki-pakinabang sa talakayan dahil wala siyang gaanong alam sa Biblia. Kahit papaano, naisantabi ko ang aking mga pangamba at nagpunta pa rin ako. Katulad ng palagi Niyang ginagawa, ginamit ng Diyos ang maliit na hakbang ng pagsukong iyon upang masimulan ang pagbabago sa akin. Tinulungan Niya ako na makita ang aking halaga at mapabuti ang aking pagkakilala sa sarili. 



Ang hindi ko napagtanto nang mga panahon na iyon ay na hinihingi ng Diyos na pagtiwalaan ko Siya upang sa hinaharap ay matulungan ko ang ibang mga babaeng gawin din iyon. Noong lang isuko ko ang mga bagay na nakapagnanakaw ng aking kumpiyansa sa sarili sa Kanya ko nagawang humakbang sa aking pagkatawag. Sa katunayan, ang aking natutunan sa Bible study na iyon ang mismong ginamit ko nang ako ay magsimulang magturo. Kung hinayaan kong pigilan ako ng aking mga takot noong araw na iyon, ang aking buhay at ministeryo ay magiging ibang-iba ngayon. Maaaring pati ang mga walang hanggan ay magiging iba. 



Ang kaalamang sino tayo kay Cristo ay nagbibigay sa atin ng pagtitiwala sa Diyos. Hindi ito dahil maaalis ang mga bagay na nagsasanhi ng ating kawalan ng kumpiyansa sa sarili, kundi dahil mapagtatanto nating lalong nahahayag ang Kanyang kapangyarihan kung tayo ay mahina. Sa katunayan, hindi kailangan ng Diyos na tayo ay walang kapintasan. Siya ay eksperto sa paggamit ng mga taong ramdam na sila'y hindi karapat-dapat, hindi sapat, at walang kakayahan. Sa kabuuan ng Biblia, Siya ay gumagawa sa sa pamamagitan ng mga di-perpektong tao na iba't ibang mga lahi, kasarian at edad upang gawin ang Kanyang kalooban. Walang mag-aalis sa atin ng karapatan sa Kanyang mga mata. Tanging tayo lamang ang makapag-aalis sa atin sa laro. Mamili tayo kung hahayaan nating ang Diyos ang magtakda sa kung sino tayo at maging bahagi ng Kanyang plano, o kung hahayaan nating iba ang magtakda sa atin at sayangin ang pagkakataong magkaroon ng epekto sa mga walang hanggan.



Hakbang sa Pagkilos:



Isaalang-alang sumandali, kung paanong maaaring ang mga kasinungalingang iyong pinaniniwalaan tungkol sa sarili mo ay humahadlang sa iyong marinig ang direksyon ng Diyos sa buhay mo. Mas pinakikinggan mo ba ang mga opinyon at inaasahan ng mga nakapaligid sa iyo, o ikaw ay higit na nakatuon sa sinasabi ng Diyos sa iyong puso? Huwag sayangin ang layunin ng Diyos sa iyong buhay dahil ang iyong pagkakakilanlan ay mali. Hilingin sa Diyos na bunutin ang mga kasinungalingang nakatanim sa iyong puso. Hayaang muli Niyang itayo kung ano ang nasira. Pagkatapos hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kung paano mo matutulungan na palaguin ang Kanyang kaharian. Ikaw ay mayroong natatanging lugar sa Kanyang puso at isang mahalagang papel sa Kanyang plano.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Embracing Identity

Sa dami ng mga tinig na nagsasabi sa atin kung sino tayo dapat maging, hindi kataka-takang nahihirapan tayong pagpasyahan ang ating pagkakakilanlan. Hindi nais ng Diyos na ituring tayo base sa ating trabaho, sa kung may ...

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya