Paghahanap ng KapahingahanHalimbawa

Hanapin ang iyong mga Kasama
Komunidad—isang lupon ng mga tao na nagkaisa sa pakikisama, pagbabahagi ng mga saloobin, interes, at layunin.
Ang pakikipag-ugnay sa Diyos ay hindi nangangahulugan ng pagsasara ng iyong sarili mula sa ibang tao. Sa katunayan, minsan ang ibig sabihin nito ay paglalaan ng espasyo para sa kanila. Ang pahinga ay perpektong oras para ipagdiwang ang buhay kasama ang mga taong mahal mo. Hindi tayo nilalang para mabuhay ng mag-isa. Kailangan natin ang isa't-isa.
Isipin mo ang mga klase ng tao na gusto mo sa iyong buhay—mga taong nagbibigay sa'yo ng inspirasyon upang maging mas mahusay, maging mas katulad ni Jesus. Direkta kang naiimpluwensyahan ng taong kasama mo ng pinakamahabang oras. Tinutulungan ka bang lumago ng mga taong ipinapapasok mo sa iyong buhay?
Pagnilayan: Makipag-ugnayan ngayong araw at makipagkita sa isang kaibigan. Makipagkita nang personal kung kaya mo, o kumonekta sa pamamagitan ng bidyo o pagtawag man lamang. Huwag kang magtakda ng pag-uusapan. Basta makipagkita at magkasiyahan sa isa't-isa. Pagkatapos, isulat ang anumang ipinakita ng Diyos sa iyo habang magkasama kayo.
Tungkol sa Gabay na ito

Maraming mga pag-aaral ang nagsasabi sa atin na ang pahinga ay kritikal sa ating pisikal, mental at emosyonal na kalusugan. Lubhang mahalaga ang pahinga sa Diyos kung kaya ginawa pa Niya itong isa sa Kanyang mga Utos. Alam natin na kailangan nating magpahinga—bakit hindi tayo nagpapahinga? Sa simpleng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin ang bakit, kailan, saan, at paano tayo magpapahinga, maging ang kasama nino.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Higit pa sa Normal

Pagharap sa Kawalan ng Kasiguruhan

Pagwawagi sa Digmaan sa Iyong Isipan

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo

Mga Paglalarawan Ni Jesus Sa Sarili

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Buhay Si Jesus!

Ang Pag-ibig na Puno ng Pag-asa

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord
