Pagnenegosyo nang Higit sa KaraniwanHalimbawa

Walang-hanggang Potensyal
Napagtanto mo ba ang iyong potensyal?
Maaaring hindi mo ito alam, subalit ikaw ay mayroong mas higit na potensyal kaysa kay Bill Gates. Seryoso. Isa sa pinakamayamang tao sa mundo ay mayroong mga malubhang limitasyon na hindi hahadlang sa iyo kung ikaw ay taga-sunod ni Cristo. Balik-aralan natin ang mga katotohanan...
1. Si Bill Gates ay ginawa sa wangis ng Diyos. (Genesis 1:27) Ang ating Manlilikha ay nakatingin sa salamin nang nilikha Niya si Bill. At pinakinabangan nang lubos ito ni Bill! Subalit ito ay angkop din sa inyo, mga kapatid.
2. Nasa sa iyo si Cristo, ang pag-asa ng kaluwalhatian. (Mga Taga-Colosas 1:27) Mula sa ating namasid, walang ganitong kalamangan si Bill.
3. Ikaw ay may isipan ng Diyos. (1 Mga Taga-Corinto 1:26) Muli, waring si Bill ay wala.
4. Ikaw ay mayroong Banal na Espiritu. Ang Diyos ay nananahan sa loob mo! (1 Mga Ta-Corinto 3:16) Muli, isa mo pang kalamangan kay Mr. Gates.
Kaya maaari bang sabihin na si Bill ay gumagawa nang sangkapat lamang ng iyong kakayahan? Mga kaibigan ko, kailangan magsimula na tayong maniwala sa ating sariling kaligtasan! At ang kahulugan nito sa ating mga buhay at negosyo.
Kung si Bill at ang iba pang tao ay nakagawa nang gaya nito ng walang daan tungo sa Espiritu ng Diyos, at walang hadlang na inilalagay sa kanilang mga sarili mula sa sekular-sagrado na paghahati, isipin kung ano ang magagawa mo! Kilalanin ang daan na mayroon ka patungo sa banal na karunungan at pagkamalikhain.
Panahon na para pagsamahin natin ang ating pananampalataya at mga negosyo. Panahon na para sa iyo at sa akin na dalhin ang malikhain at bagong solusyon ng Diyos sa mga problema ng mundo. Kahit saan may problema. Ang ilan ay laganap sa buong daigdig, at ang iba ay maaring hindi mahalaga. Subalit kung ito ay mahalaga sa iyo, ito ay mahalaga sa Diyos.
Si Matt McPherson ay isang ebanghelista at tagapanguna sa pananambahan. Gusto niya rin ang mangaso gamit ang pana. Isang araw malinaw niyang narinig ang Diyos na nagsabi, “Alam Ko ang sagot sa bawat problema sa mundo. Kung ang mga tao ay magtatanong lamang sa Akin, ibibigay Ko ang mga kasagutang iyon.”
Ngayon maaaring si Matt ay magtanong ng solusyon sa kagutuman sa mundo. O kung paano gumawa ng isang malaking ministeryo. Subalit hindi niya ito ginawa. Hiniling niya sa Diyos na tulungan siya na gumawa ng tambalang pana.
Alam nyo, ang tambalang pana ay naimbento noong mga huling bahagi ng dekada 60, at ito ay may dalawang kamera. Subalit ang mga tagadisensyo ay nagsisikap sa mahigit na isang dekada upang ang dalawang kamera ay perpektong maiakma, ngunit hindi sila nagtagumpay. Ang kakulangan sa pag-akma ay naging dahilan ng pagkakamali sa pag-asinta, isang maliwanag na problema para sa mga mangangaso.
Lumipas ang dalawang linggo at nagising si Matt sa kalagitnaan ng gabi. Sinabi niya na may tila isang piraso ng papel mula sa kuwaderno na nakalutang sa harap ng kanyang mukha. Mayroong diagram ng tambalang pana na iginuhit sa kamay. Siya ay naupo at nagsimulang sipiin ang plano. Napagtanto niya na ito ay hindi tulad ng ibang tambalang pana na nagawa na. Ang pana ay may iisang kamera.
Marahil natatalos mo na ang Honda ay nagbebenta ng maraming mga sasakyan at kumikita nang maliit sa bawat sasakyan. At ang Rolls Royce ay nagbebenta ng kaunting sasakyan subalit kumikita nang malaki sa bawat sasakyan. Sinimulan ni Matt McPherson ang Mathews Inc., at sila ngayon ang may pinakamalaking tagagawa ng pana sa buong mundo. At hindi katulad ng Honda, ang Mathews ay kumikita nang malaki sa bawat pana.
Si Matt ay nagpatuloy rin sa pag-imbento ng bagong uri ng acoustic na gitara, at ang kanyang McPherson Guitars ay itinuturing na pinakamaganda sa buong mundo. Ang negosyo ni Matt ay ang kanyang ministeryo. At si Matt ay naglalakad sa kanyang lokal na mall sa Wisconsin habang nagbabahagi ng Mabuting Balita. Inilagay niya ang Diyos na una sa lahat ng kanyang ginagawa.
Kaya bakit hindi ikaw? Bakit hindi ka maaaring gamitin ng Diyos upang malutas ang isang problema sa isang pambansang antas... o sa iyong komunidad o kumpanya? Ang mundo ay humihiyaw para sa mga solusyon, at ang bayan ng Diyos ay mayroong daan sa banal na pamamaraan na magpapagaling sa mga bansa at magdadala ng kapayapaan. Ngayon ang panahon upang humiling.
Nang una kong sinabi ang tungkol sa panalangin ni Matt McPherson sa itaas, nangilabot ka ba? Naisip mo ba na ang taong mas maka-Diyos ay hihiling nang higit pa...maka-Diyos? Kung gayon nga, marahil ikaw ay nahulog sa patibong ng sekular-sagrado na paghahati.
Tungkol sa Gabay na ito

Ako ay naniwala sa isang kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Ang kasinungalingang ito ay pinakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano. Ako ay naniwala sa isang sekular-sagrado na paghahati. At ito ang pumigil sa akin. Samahan mo ako na tuklasin kung paanong nais ng Diyos na tayo ay palakasin nang higit sa karaniwan upang dalhin ang Langit dito sa Lupa at magtagumpay sa negosyo at buhay. Marami tayong mga pagkakataon upang maimpluwensiyahan ang mundo nang higit sa karamihan sa mga "buong-panahong ministro," at ang gabay sa Bibliang ito ang magpapakita sa iyo kung paano!
More