Pagnenegosyo nang Higit sa KaraniwanHalimbawa

Dito sa Lupa para nang sa Langit
Kahapon natutuhan natin na bilang mga negosyante, tayo ay mayroong primera klase na pagkatawag mula sa Panginoon. Tayo ay mayroong pagkakataon na ipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pambihira at makapangyarihang mga paraan sa wasak na mundo na nasasabik sa mga kasagutan. At ito ay nakakaapekto kung paano tayo manalangin.
Ipinapanalangin natin ang Ama Namin. Subalit ano ang tunay na kahulugan nito? Ano ang kahulugan nito sa ating mga negosyo?
Ito ay nangangahulugan na kung wala sa Langit, wala rin dapat sa Lupa. Kung wala sa Langit, wala dapat sa aking buhay o sa aking pamilya o sa aking negosyo. Kasama ang hindi pagpapatawad at pag-aalitan at pagbagsak ng negosyo. Kasama dito ang mga masasamang empleyado at masasamang mga amo. At kasama dito ang mahinang-klase na gawa at hindi magandang serbisyo. Wala rito ay bahagi ng plano ng Diyos.
Kaya, ano ang hitsura kung ang Kaharian ng Langit ay lumusob sa Kaharian ng Lupa?
Ang kalooban ng Diyos ay mangyayari sa Lupa para nang sa Langit. Ang mga tao, mga negosyo, at ang komunidad ay uunlad. Ang kultura ay maapektuhan para sa kabutihan. Ang mga kliyente ay makukuha ang mga kalakal o serbisyo na kanilang kailangan, at ang may-ari ng negosyo at mga empleyado ay uunlad.
Ang kaluwalhatian at pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus ay maipapakita. Ang mga empleyado ay magtatrabaho nang maigi at sila ay magiging mabubuting mga kabiyak at magulang at kaibigan at kasapi ng simbahan. Ang batik ng mundong ito ay babalik sa kanyang orihinal na disenyo sa Eden.
Kung mayroon tayo nito nang tuwiran, mananalangin tayo sa ibang paraan. Sa loob ng mga dekada bilang lider ng negosyo, nanalangin ako ng tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo at mga karamdaman at paglago ng simbahan. Nanalangin ako para sa pamilya at mga kaibigan. Subalit, ako ay nahihiyang humiling sa Diyos na tulungan ako na magtagumpay sa aking negosyo. Ito ay bahagi ng maling paghahati na binanggit ko kahapon. Ang iyo bang buhay panalangin ay napipinsala sa mga kamay ng kasinungalingang ito?
Mayroong isang lalaki na ang pag-aayos ng muwebles na gawa sa kahoy ang ikinabubuhay. Napagtanto niya na ang mga kemikal ay matatapang at maaaring magdulot ng matagalang problema sa kalusugan, at binalak niya na bitiwan ang negosyong ito kung hindi siya makakahanap ng solusyon. Siya ay nagkutinting sa kanyang tindahan upang subukang makaimbento ng bagong kemikal na pangtalop sa kahoy na organic at hindi nakalalason. Subalit mayroon siyang mataas na pamantayan: ito ay kinakailangang gumana katulad ng mga produktong kemikal. Siya at ang kanyang may-bahay ay humiling sa Diyos ng kasagutan.
Isang araw, dumating siya sa bahay upang magdala ng tanghalian sa kanyang maybahay. Siya ay nagdadalang-tao, at sa kanyang paggising mula sa pagkakaidlip, sinabi nito sa kanya ang tungkol sa kanyang napanaginipan na mga kakaibang magkakasunod na letra. Napagtanto ng lalaki na ito ay mga pormulang kemikal. Bumalik siya sa kanyang tindahan, pinagsama-sama niya ang mga kemikal na ito.
Ang paghahalong ito ay naging isang perpektong pormula para sa pangtalop ng muwebles na kahoy na hindi nakalalason. At ito ay gumana katulad ng mga kilalang produkto. Sinimulan niyang ibenta ito sa palibot ng kanyang rehiyon. Ang mag-asawa sa kinalaunan ay ibinenta ang patenteng ito sa isang malaking korporasyon. Sila ay bumili ng isang magandang RV at nagkaroon ng kaparaanan na maglakbay sa Amerika sa paggawa ng ministeryo.
Kailangan mo ba ng karunungan sa iyong negosyo ngayon? Nakikita mo ba ang mga problema sa iyong mundo na kinakailangan ng mga solusyon? Tinitiyak ko na ang Diyos ay may mga katugunan at handa Siya na gamitin ka upang dalhin ang mga ito mula sa Langit patungo sa Lupa. Trabaho mo ang humiling...at umasa sa sagot.
"Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.” Juan 16:13
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ako ay naniwala sa isang kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Ang kasinungalingang ito ay pinakapangkaraniwan sa grupo ng mga Cristiano. Ako ay naniwala sa isang sekular-sagrado na paghahati. At ito ang pumigil sa akin. Samahan mo ako na tuklasin kung paanong nais ng Diyos na tayo ay palakasin nang higit sa karaniwan upang dalhin ang Langit dito sa Lupa at magtagumpay sa negosyo at buhay. Marami tayong mga pagkakataon upang maimpluwensiyahan ang mundo nang higit sa karamihan sa mga "buong-panahong ministro," at ang gabay sa Bibliang ito ang magpapakita sa iyo kung paano!
More