Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtutok: Isang 6-Araw na Interaktibong Debosyonal Tungkol sa Pananampalataya Para sa Mga Bata Halimbawa

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

ARAW 3 NG 6

Ang Pagkilala kay Jesus ay Tutulong sa Iyo na Harapin ang Iyong Mga Takot

Naiisip mo ba kung bakit mabilis ang tibok ng iyong puso kapag ikaw ay natatakot? Ang galing nito. Ang reaksyon ng iyong katawan sa takot ay tinatawag na “paglaban o paglikas na tugon.”

Narito kung paano ito gumagana. 

Ipagpalagay mo na ikaw ay isang taong-kweba ilang libong taon na ang nakakaraan. (Sige, suntukin mo ang iyong dibdib para matulungan kang magpanggap). Ngayon, isipin mo na may isang gutom na saber-toothed tiger na pumasok sa iyong kweba para maghapunan. Gusto mo bang malaman kung ano ang nasa menu? IKAW. 

Anong gagawin mo? 

  1. Lumaban. Kunin ang pang-hambalos at labanan ang tigre. 
  2. Lumikas. Sumigaw ng “Ano iyon? Isang daang kilong karne na hindi pa nakakain?!” sa tigre, umasa na malilinlang siya, at tumakbo. 

Ang katawan mo ay may kaparehong reaksyon kapag nakakaramdam ka ng takot. Para maghanda sa paglaban o paglikas, may ilang bagay ang nagaganap para maging handa sa pag-aksyon o pagtakas. Ang tibok ng iyong puso ay bumibilis upang mas maraming dugo ang mapapunta sa iyong mga kalamnan at utak. Ang iyong balintataw ay lumalaki para mas makakita ka.

Ang galing, di ba? 

May isang lalaki na natutunan natin sa Biblia na nagngangalang Ananias, at siya ay nasa eksaktong lugar—ang lugar kung saan kailangan niyang mamili sa pagitan ng paglaban o paglikas.  

Sinabihan ng Diyos si Ananias na tulungan si Saul. Si Ananias ay natakot; siya ay isang taga-sunod ni Jesus. Hindi alam ni Ananias na si Saul ay naging taga-sunod na rin ni Jesus. At base sa mga narinig niya patungkol kay Saul, may magandang mga dahilan si Ananias upang tumakbo. 

Ngunit sa halip na tumakbo, sinabi ni Ananias sa Diyos na siya ay natatakot. Ito ang sagot ng Diyos:

“‘Pumunta ka roon, sapagkat pinili ko siya…’” (Mga Gawa 9:15).

Sinabi ng Diyos kay Ananias na pumunta, kahit siya ay natatakot. At si Ananias ay pumunta. Pumunta siya dahil alam niyang sasamahan siya ng Diyos. 

Ayon sa Biblia sasamahan rin tayo ng Diyos. 

PAG-ISIPAN ITO

Kinailangan mong bang humarap sa isang takot? Sa tingin mo, ano ang iyong mararamdaman sa sitwasyong iyon, kung nalalaman mong kasama mo ang Diyos?

Bahagi ng pagkakaroon ng pananampalataya ay pagtitiwala na ang Diyos ay kasama natin. Gumugol ng ilang minuto sa pakikipag-usap sa Diyos. Sabihin mo sa Kanya na ikaw ay nagpapasalamat na Siya ay laging kasama mo.  

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Focus: A 6-Day Interactive Devotional On Faith For Kids

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugan ng tiwala sa mga di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ito ay mahirap. Paano natin malalaman na ang Diyos ay totoo? Mapagtitiwalaan ba natin Siya kapag may masama o nakakatakot na bagay na nangyayari? Paano kung may ginawa tayong mali? Patatawarin ba Niya tayo? Sa pamamagitan ng Gabay sa Biblia na ito, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng pananampalataya natin kay Jesus (at paano nito mas mapapaganda ang buhay).

More

Nais naming pasalamatan ang reThink Group sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bisitahin ang: http://orangebooks.com/