Pagtutok: Isang 6-Araw na Interaktibong Debosyonal Tungkol sa Pananampalataya Para sa Mga Bata Halimbawa

Ang Pagkilala kay Jesus ay Nagbabago sa Pagtingin Natin sa Lahat
Ang mga mata ay kamangha-manghang mga bahagi ng katawan. Suriin ito:
- Ang mata ng tao ay kayang kumilala ng higit sa 10 milyong mga kulay.
- Ang ating mga mata ay nananatili sa parehong sukat sa ating buong buhay habang ang ating mga ilong at mga tenga ay patuloy na lumalaki.
- Ang mga pirata ay nagsusuot ng mga hikaw dahil inaakala nilang lilinaw ang kanilang mga paningin.
Sige, siguro ang huling kaalaman ay kakatwa ng kaunti, pero ito ay totoo! Ang kakayahang makakita ay isang malaking bagay.
Ngunit minsan, nililinlang tayo ng ating mga mata—para makita ang isang bagay na wala naman doon o hindi makita ang isang bagay na naroroon. Kapag nangyari ito, ito ay tinatawag na optical illusion. Ang mga optical illusion ay pinaniniwala tayong ang imposible ay posible.
Habang pinag-uusapan ang imposible na nagiging posible, hindi na ako makapaghintay na magkwento pa tungkol kay Pablo, ang lalaking pinag-usapan natin noong Unang Araw. Ngunit hindi mo malalaman ang tungkol kay Pablo, kung hindi mo makikilala si Saul.
Si Saul ay isang masamang tao. Sa katunayan, ginagawa niyang mistulang mga teddy bear ang mga kontrabida sa mga pelikula. Trabaho ni Saul na hanapin ang mga taga-sunod ni Jesus at parusahan sila.
At narito naman si Pablo. Si Pablo ay isang taong dumanas ng maraming mga pasakit, pinsala, at mahirap na kalagayan para sabihan ang mga tao ng patungkol kay Jesus. Itinuon niya ang kanyang buong buhay sa pagsisimula ng mga iglesia at tulungan ang iba na magsimula ng mga iglesia. Maraming tao ang nagsasabi na si Pablo ang pinakatanyag na Cristiano kailanman.
Kung may suot kang medyas, hawakan mo ang mga ito nang mahigpit, dahil baka maalis ang mga ito sa iyong pagkagulat:
Si Saul ay iisang tao kayPablo.
Hah?
Anoooo?
Ano ulit?
Tama.
Alam mo, noong nakilala ni Saul si Jesus, lahat ng patungkol kay Saul ay nagbago. (Kahit ang kanyang pangalan.) Mula sa pagpaparusa sa mga taga-sunod ni Jesus papunta sa pagiging taga-sunod ni Jesus!
GAWIN ITO
Kumuha ng isang piraso ng papel at panulat. Isipin mo ang isang taong sobrang importante sa iyong buhay—siyang tumulong sa iyo na makita ang ibang anggulo ng mga bagay. Maaaring ito ay isang guro, coach, lider sa maliit na grupo, o isang kaibigan.
Isulat ang kanilang pangalan sa papel. (Kung hindi mo maalala ang kanilang mga pangalan, pwedeng gumawa ka na lang!) Magsulat ka ng 3 paraan kung paanong maaaring iba ang iyong buhay kung hindi mo nakilala ang taong iyon.
1.
2.
3.
Ang pagkakilala sa mga tao ay makapagpapabago sa paraan ng pagtingin natin sa mga bagay-bagay. Ngunit ang pagkakilala kay Jesus ay nakapagpapabago ng ating pagtingin sa lahat ng bagay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay nangangahulugan ng tiwala sa mga di mo nakikita dahil sa mga nakikita mo na. Ito ay mahirap. Paano natin malalaman na ang Diyos ay totoo? Mapagtitiwalaan ba natin Siya kapag may masama o nakakatakot na bagay na nangyayari? Paano kung may ginawa tayong mali? Patatawarin ba Niya tayo? Sa pamamagitan ng Gabay sa Biblia na ito, titingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng paglalagay ng pananampalataya natin kay Jesus (at paano nito mas mapapaganda ang buhay).
More