Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

ARAW 6 NG 8

Mapangahas na mga Pag-aasam



Ako ay bahagi ng isang kamangha-manghang ministeryo at iglesiang tinatawag na Life.Church, at mayroon kaming naghahanay na mga asal na talagang nakapagpapa-unawa sa konsepto ng Mapangahas na mga Pag-aasam. Isa sa nais kong ibahagi sa inyo ay ito:



Kami ay puno ng pananalig, malaki kung maghangad, sumusugal sa lahat.



Hindi namin kailanman iinsultuhin ang Diyos sa pag-iisip nang maliit at ligtas na pamumuhay.



Gaano mo kadalas nililimitahan ang Diyos at sa kung anong inimbak Niya para sa iyong buhay? Seryoso, pag-isipan mo iyon sumandali. Paano ang mga pinakamalaki mong mga ideya at matapang na mga panalangin ay sumasalansan sa mga hangarin at plano Niya para sa iyo dito sa mundo? Marahil ay nahulog ka sa kabilang dako ng balangaw at nagpupumilit kang makaalpas sa takot sa kabiguan, o sadyang hindi mo lamang inisip na ganoon inaalala ng Diyos ang iyong mga pagsisikap o mga hinahangad. 



Hindi mahalaga kung saan mo mahanap ang iyong sarili, matatanto mong ang Diyos ay tunay na may pakialam sa iyo. Nakatayo Siya na laging handang gumawa ng mga hindi masusukat at lubos pa sa ating hinihingi o isipin man lamang sapagkat ang Kaniyang mga plano ay hindi malayong higit na mabuti kaysa sa atin. Alam ko man ito, natatagpuan ko pa rin ang aking sarili na walang maliw sa paglilimita sa Diyos sa pamamagitan ng pag-iisip nang maliit at ligtas na pamumuhay. Nakahihiya ito ng tunay, at ayaw ko na inaamin iyon. Marahil ay iniisip mo, “Paano mag-isip ang isa sa mga tagapagtatag ng YouVersion Bible App nang lubhang maliit?” Kung gayon, iyan ang pinakamahusay na halimbawang aking binabalik-balikan. 



Nang simulan namin ang YouVersion, WALA kaming ideya kung ano ang posible o kung anong inimbak ng Diyos sa maliit na ideyang ito na nagsimula lamang bilang isang hindi maayos at nakaasiwang pahinarya. Mula sa hindi gaanong pinag-isipang ideyang iyon hanggang sa ngayon, nagkakaroon kami ng pagkakataon na makita ang bawat bansa at teritoryo na nagpapasakop sa Biblia kada segundo bawat araw sa mga telepono, mga tablet, mga kompyuter, at iba pang mga makabagong teknolohiya na kasangkapan. Lahat ng kaluwalhatian at papuri ay sa Diyos! Habang kami ay nagiging masunurin sa paglipas ng panahon, napagtanto naming nais ng Diyos na biyayaan at bigyan ng buhay ito. Ito ay isa lamang sa nagpapa-alala sa akin na ang Diyos ay laging handa na biyayaan ang ating pagsunod, ating pangako, at ating paglakad sa pananampalataya kapag ninanais nating parangaan Siya.



Ang YouVersion ay isa lamang sa mga halimbawa. Kung saan man ako minsan nang nakulangan ng pananalig, ngayon ay mayroon na akong biyaya ng paglingon sa maraming pagsisikap at pagpupunyagi sa pinasok ko na ito na ngayon ay biniyayaan ng Diyos. Paano ka naman? Saan ka nag-iingat? Kung hindi ka sigurado, marahil ay dapat mo'ng tanungin ang iyong sarili kung saan ka natatakot na mabigo? Marahil ito ay sa takot na matanggihan o takot sa kakulangan o hindi karapat-dapat. Ang mga takot na ito ay kaya at magtutulak sa iyo na manatiling ingat at maglimita sa kakayahan ng Diyos na gumawa sa pamamagitan natin. 



Ang pagkakaroon ng mapangahas na pag-aasam sa kung anong kayang gawin at gagawin ng Diyos ay isa sa mga saligang bahagi ng pagpapataas ng antas ng iyong pamumuno. Ang pagtatakda ng mga layunin na lagpas sa makatotohang posibilidad dahil sa inaasahan natin ang Diyos ay ang pagkakaroon ng mapangahas na pag-aasam. Ang paniniwala at pagtungo sa hinaharap na may pananalig ay bahagi ng ating paglalakbay bilang mga tagasunod ni Cristo. 



Bawat sandali sa bawat araw ay nakapipili tayo ng kung anong iisipin at kung anong paniniwalaan. Ang ating mga iniisip ay pinagpipilian kaya't pumili tayo ng matalino at piliin ang kung anong makapagpaparangal sa Diyos. Sa pagtalakay mo sa babasahin ngayon, hinahamon kita na talagang pag-isipan ang kuwento ni Jonatan at ang tagadala ng kaniyang gamit-pandigma. Kumuha ng tunay na saysay sa mapangahas na pag-aasam na mayroon sila. Ang araw-araw nating mga desisyon ay hindi maihahalintulad ng kay Jonatan, ngunit ang ating pananalig at takbo ng pag-iisip ay siguradong mahahawig dito. 



Panginoon, mangusap Ka sa akin ngayon sa pagbubukas ko ng iyong Salita. Hayaang ang mga salitang ito ay bumuhos ng lubos sa aking espiritu at bigyan ako ng pananalig at katapangan na makapagpaparangal at luluwalhati sa Iyo. 


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng te...

More

Nais naming pasalamatan si Terry Storch sa paglalaan nitong gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ito: https://terrystorch.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya