Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagtataas sa Antas ng Pamumuno sa Pamamagitan ng Karunungan ng BibliaHalimbawa

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

ARAW 2 NG 8

Mga Suporta


Gaano kadalas kang nakakakita ng mga bagay na hindi mo pa nakita dati? Halimbawa, ang kotseng kabibili mo lang ay siya mong nakikita lagi sa daan kahit na hindi mo ito naaalalang nakikita dati. Madalas ay ganito rin ang Biblia. Magbabasa ka ng isang bersikulo o talata nang paulit-ulit at bigla na lamang, may isang bagay na ibibigay ito sa iyo. Ito ang isa sa maraming bagay na nagugustuhan ko sa pagbabasa ng Salita ng Diyos. Ang matalik kong kaibigan at tagapagturo, si J. Lee, ay madalas na ipinapaalala sa akin na, "Natututo tayo base sa pangangailangan nating malaman ang isang bagay."


Nangyari ito sa akin nang binabasa ko ang Mga Taga-Efeso sa kapitulo 6, kung saan naroon ang sikat na mga bersikulo tungkol sa "Baluti ng Diyos" na marami sa atin ay ilang beses nang narinig. Ganito ang simula noon"


"Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo."


Kung iisa-isahin natin ang Baluti ng Diyos, ganito ang hitsura noon:


  1. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, 
  2. at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran,
  3. at isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.
  4. Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya,
  5. isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan 
  6. at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

May anim na pamamaraan tayo upang manatiling malakas sa Panginoon! Ngunit tingnan mo nang mas mabuti kung anong humahawak sa kanila upang sila ay magkakasama-sama. Ang Katotohanan mula sa Salita ng Diyos, at ang Tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos! Hindi ko ito nakikita dati at tunay ngang ako ay namangha! 


Ang unang suporta ay ang sinturon ng katotohanan. Ang isang sinturon ay ginawa upang hawakan ang mga bagay tulad ng ating mga pantalon. Noong panahon na ang Biblia ay isinulat, ang kasuotan ay parang isang mahabang tela o balabal, at ang sinturon ang humahawak sa mahahabang kasuotang ito upang mabilis na makakilos ang mga tao nang hindi nadadapa. Akmang-akma na maaari nating gamitin ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos upang pigilan tayong madapa. Ang Salita ng Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan para sa mga tagasunod ni Jesus!


Ang dulong pangsuporta ay ang Tabak ng Espiritu, na siyang Salita ng Diyos. Ang tabak ay parehong isang gamit upang ipagtanggol ang sarili at sandatang pansalakay. Ang salita ng Diyos ay dapat gamitin upang magtanggol at manindigan kapag ang ating espiritwal na kaaway ay lumiligid-ligid. 


Sa makikita mo sa imaheng ito, ang mga aklat na ito ay napapanatili sa lugar sa pamamagitan ng mga suporta. Ang mga suporta ay kumakatawan sa Salita ng Diyos at ang mga ito ang mga paraan upang manatiling malakas. Itong imaheng ito ay kumakatawan sa ating mga buhay bilang mga pinuno. Nararapat na tayo'y may mga istanteng puno ng mga aklat kung saan tayo matututo. Ang mga istanteng ito rin ay puno ng mga karanasang humubog sa atin at mga edukasyong naghanda sa atin. Ang mga mapagkukunang ito ay makapangyarihan at makakatulong, at gagamitin ng Diyos ang mga ito kung saan kinakailangan. Ngunit ang napakahalaga sa misyong ito ay ang mga suporta na humahawak sa mga aklat, mga karanasan, at sa edukasyon. 


Bilang mga pinuno, isa sa mga pinakamahalagang pamamaraan upang maitaas ang ating antas ng pamumuno ay ang pagbubuo ng isang matatag na pundasyon sa Salita ng Diyos. Lahat ng pag-aaral, mga karanasan, at edukasyon ay nararapat na nasasala sa katotohanan ng mga Salita ng Diyos—ang mga suporta. Ito ang huhubog sa ating mga pananaw, at magbibigay-daan upang maproseso natin ang tunay na katotohanan ng mga sitwasyon at pangyayari. Kaya kapag, hindi kung, naging mahirap ang buhay, maaari nating itaas ang antas ng ating pamumuno dahil ang katotohanan ng Salita ng Diyos ay nasa atin, at dadalhin tayo nito upang makatugon nang nararapat. Ang Salita ng Diyos na nasa atin ang magbibigay ng biblikal na karunungan na kinakailangan upang maging mabuting pinuno.


O Diyos, nais kong ang katotohanan Mo ang siyang tumagos sa aking puso at espiritu. Mangusap Ka sa akin at paalalahanan Mo akong gawin ang mga pangsuporta ng Baluti ng Diyos na maging bahagi ng aking pang-araw-araw na buhay. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Scaling Leadership with Biblical Wisdom

Ang pagtataas sa antas ng ating pamumuno ay kritikal ngayon. Dapat nating palakihin, palabisin, palawakin, at palaguin ang kapasidad ng ating pamumuno sa paglayag sa nagbabagong kapaligiran. Ang mabilis na pag-iiba ng te...

More

Nais naming pasalamatan si Terry Storch sa paglalaan nitong gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ito: https://terrystorch.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya