Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Patungkol sa Kalayaan at PagpapatawadHalimbawa

Of Freedom and Forgiveness

ARAW 3 NG 5

Ang Kuya na Tumangging Magpatawad


May naaalala ka bang nakakatawa o napakahangal na ginawa ng isang kapatid mo habang lumalaki kayo? May nangyari na bang tinaggihan kang patawarin ng isang kapatid mo? Anong naramdaman mo? Kahapon, tiningnan natin ang kuwento ng Nawalang Anak. Ngayon titingnan natin ang huling bahagi ng talinhagang ito upang makita ang tinuturo ni Jesus patungkol sa pagpapatawad sa iba. Sa kabanatang ito, nagkuwento si Jesus ng tatlong talinhaga. Tingnan natin kung sino ang kinukuwentuhan ni Jesus ng talinhagang ito. Sino ang kinakausap ni Jesus? Sila ay mga Pariseo at dalubhasa sa kautusan. Sila ay mga taong nag-aakalang sila ay mas mabuti kaysa sa “mga makasalanan.” Kailangan nating mag-ingat na huwag magkamali na tulad nila. Ang anak na tumalikod sa kanyang pamilya at hangal na lumustay ng kanyang minana ay nagbalik! May pagpapakumbaba siyang bumalik, humingi ng kapatawaran. Ngunit tumangging sumali ang kuya sa pagdiriwang. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng ama? Samantalang may kagalakan para sa “bunso”, may kasiraan ng loob para sa “kuya”. Ang naramdaman ng kuya ay na siya ay nadaya, galit, at pagseselos.


Tanong: Ano ang nagyayari sa isang tao kapag tumanggi silang magpatawad sa iba?


Tanong: Kapag naririnig mo ang kuwentong ito, sino ang palagay mong pinakatulad mo? Ang Ama, ang Nawalang Anak, o ang Kuya?


May tao bang nahihirapan kang makaugnayan dahil sa isang maling nagawa nila sa'yo? O maaaring isang nagawa mong nakasakit sa kanila. Sa mga bersikulong ito, ano ang sinasabi sa atin ni Jesus na gawin? Puntahan at makipagkasundo ka sa kanya. Kapag naisip natin kung gaano tayo pinatawad ng Diyos ang bawat isa sa atin, hindi ba't kagulat-gulat na nahihirapan pa rin tayong patawarin ang iba? Nais ng Diyos na gawin natin ang ginagawa Niya: Ang Diyos ay palaging handang tumakbong papalapit sa isang nakagawa ng mali sa Kanya, yakapin siya, at patawarin siya. Madali ba para sa'yong gawin ito? HINDI!! Tanging sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na nasa ating magagawang lubos na patawarin at tanggapin ang mga nakasakit sa atin.


Panahong Magbulay-bulay: Isipin ang isang relasyon na kailangan mong isaayos – isang taong kailangan mong patawarin, isang taong kailangan mong hingan ng tawad.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Of Freedom and Forgiveness

Ang pagpapatawad ay isang proseso. Kailangan nito ng oras, pagpapasakit at mahirap itong gawin. Ito ay ang pagpapanumbalik sa dati ng mga relasyon sa pamamagitan ng pagbitaw sa masakit na nakalipas sa diwa ng pag-ibig. W...

More

Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya