Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Patungkol sa Kalayaan at PagpapatawadHalimbawa

Of Freedom and Forgiveness

ARAW 2 NG 5

Paglapit sa Ama Para sa Kapatawaran


May naaalala ka bang karanasan noong maliit ka pa kung kailan may nagawa kang mali at naparusahan ka para rito? Ano ang naramdaman mo tungkol sa kaparusahan?


Titingnan natin ang isang napakapamilyar na talinhaga ni Jesus. Tignan natin ang sinasabi ni Jesus sa atin patungkol sa paglapit sa Diyos Ama upang makatanggap ng kapatawaran. Tila lubos na nasiguro ng bunsong anak na mas liligaya siya kung makukuha na niya ang kanyang salapi at saka lumayo sa kanyang ama. Ngunit ang buhay na malayo sa kanyang ama ay hindi nangyari tulad ng inaasahan niya. Pag-usapan natin ang ating mga makalupang ama. Lahat tayo ay sabik sa isang makalupang ama na talagang mahal tayo. Ngunit para sa marami sa atin, wala ang ating ama habang lumalaki tayo. Wala siya dahil sa kanyang trabaho o ibang kinawiwilihan. O maaaring palagi naman siyang nasa bahay, ngunit pakiramdam natin ay parang wala naman siya roon. Para sa iba, maaaring ang mga alaala mo ng iyong ama ay na palagi siyang galit — o mapanakit pa. Ngayon, pagdating sa Diyos Ama, may inklinasyon tayong isiping Siya ay tulad lang ng ating makalupang ama — Wala at Galit.


Tanong: Ano sa palagay mo ang nangyayari sa buhay ng mga tao kapag tinatanaw nila ang Diyos na wala at galit?


Maraming tao ang labis na nahihirapang makipag-ugnayan sa Diyos. Marami ang nag-iisip na Siya ay wala at galit. Mas komportable ang pakiramdam nilang makipag-ugnayan sa isang santo o ibang tao imbes na dumirekta sa Diyos. Sa talinhagang ito, ano ang itinuturo ni Jesus tungkol sa saloobin ng Diyos sa mga taong lumalapit sa Kanya nang may mapagpakumbabang puso? Lubos na pagpapatawad at pagtanggap!


Ano sa palagay mo ang nararamdaman Niya kapag iniiwasan natin Siya, o lumalapit sa ibang tao kaysa na pumuntang direkta sa Kanya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo? Sa lahat ng ginawa ng ama ng batang ito, ano ang pinakamakabuluhan sa'yo? Sa akin, ang patakbo niya itong sinalubong, niyakap, hinalikan, pinatawad, sinuotan ng pinakamagandang damit, sinuotan ng singsing sa daliri, sinuotan ng sandalyas ang mga paa at pagsasagawa ng isang pagdiriwang. Tanging dahil sa pagkamatay ni Jesus para sa atin na nagagawa ng Ama sa Langit na ganap tayong patawarain at tanggapin.


Kung isang grupo kayong sumusunod sa gabay na ito, maaari sigurong dalawa o tatlong tao ang magpatotoo kung paano nila naranasan ang pagpapatawad ng Diyos sa kanilang buhay. Maaari itong maging isang patotoo ng pagliligtas o pagpapatawad mula sa kasalanan nang sila'y maging mananampalataya na. Limitahan natin sa dalawang minuto - maikli at matamis!


Panahong Magbulay-bulay:


1. Nasaan ka ngayon sa relasyon mo sa Ama sa Langit?


2. May kilala ka ba ngayon na may damdaming ang kanyang makalupang ama ay palaging “galit at wala”? Maaari mo bang ipagdasal ang taong iyan?


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Of Freedom and Forgiveness

Ang pagpapatawad ay isang proseso. Kailangan nito ng oras, pagpapasakit at mahirap itong gawin. Ito ay ang pagpapanumbalik sa dati ng mga relasyon sa pamamagitan ng pagbitaw sa masakit na nakalipas sa diwa ng pag-ibig. W...

More

Nais naming pasalamatan si G. Boris Joaquin, Presidente at Chief Equipping Officer ng Breakthrough Leadership Management Consultancy. Siya ay dalubhasang tagapagsanay at kinikilalang isa sa pinakamahusay na tagapagsalita patungkol sa pamumuno at iba pang "soft skills" sa Pilipinas. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.theprojectpurpose.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya