Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paano Ko Malalaman ang Kalooban ng Diyos?Halimbawa

How Do I Know God’s Will?

ARAW 5 NG 5

Ang Mga Maituturing na Ganap na sa Diyos



Pagdating sa kalooban ng Diyos, mas marami tayong nalalaman kaysa sa hindi nalalaman. Ang Salita ng Diyos ay puno ng direksyon para sa atin kung ang mga mata lamang natin ay nakakakita. Marami Siyang ninanais na gawin natin dito sa mundo, hindi upang tayo ay mahalin Niya, kundi upang magkaroon tayo ng masaganang buhay sa mundo na ipinangako sa atin sa pamamagitan ni Jesus. Sa halip na lagi nating iniisip na sana ay alam natin ang malaking plano ng Diyos, bakit hindi natin ituon ang ating mga isipan sa kung anong gusto ng Diyos para sa atin? Kapag ginawa natin ito, malalaman natin kung anong dapat nating gawin. 



Mahalin ang Diyos

Madalas ay gusto nating malaman kung ano ang dapat nating gawin. Bueno, ang taludtod na ito sa Mateo 22 ay napakaliwanag. Sinabi ni Jesus na ang pinakamahalagang utos na ibinigay sa atin ay ang mahalin natin ang Diyos nang buong katauhan natin. Hindi lang isang bahagi ng ating mga sarili, kung saan inihihiwalay natin ang ating paglakad na kasama Siya, kundi ang ating buong katauhan — katawan, kaluluwa, isip. at espiritu.



Mahalin ang Kapwa

Itinuro rin ni Jesus na ang pagmamahal natin sa ating "kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili" ay napakahalaga, pangalawa lamang sa pagmamahal natin sa Diyos. Madali para sa ating mahalin ang ating sarili. Tinitiyak nating ang mga pangangailangan natin ay naibibigay. Tinatawag tayo ng Diyos upang mahalin ang ating kapwa tulad ng pagmamalasakit at pagmamahal natin sa ating sarili. 



Humayo at Gumawa ng mga Alagad

Dahil tayo'y mga alagad ni Cristo, dapat nating dalhin ang ating paniniwala at ipasa ito sa iba. Ninanais ng Diyos na ang lahat ay makilala Siya. Dahil sumusunod tayo kay Jesus, dala-dala natin ang pangontra sa walang hanggang sakit ng kasalanan na nasa mundo. Ang Ebanghelyo ni Jesus ang kailangang marinig ng mundo. Ang mabuting balitang ito—na siyang kahulugan ng salitang Ebanghelyo—ay para sa lahat. Kaya, kilala man ng tao si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon o hindi, maaari pa rin nating ibahagi ang mabuting balita sa kanila. 



Kapag tumuon tayo sa mga pinakamahalagang pagtawag ng Diyos sa lahat ng mga tagasunod ni Cristo, hindi na natin masyadong pagkakaabalahan ang mga hindi nakahayag na bahagi ng kalooban ng Diyos. At habang tinatalikuran natin ang mga kaugalian ng mundo at sa halip, ay pinipili nating baguhin ang ating mga isipan, ang kabatiran ng mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos ay magiging maliwanag sa atin. 



Pagnilayan




  • Gaano mo kahusay na nasusunod ang mga maituturing na ganap para sa Diyos? Mahalin ang Diyos, mahalin ang kapwa, at ang humayo at gumawa ng mga alagad?

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How Do I Know God’s Will?

Ano ba ang kalooban ng Diyos? Lahat tayo ay pinag-isipan na ito sa isang punto ng ating buhay. Kung minsan, habang hinihintay nating malaman kung ano ito, napaparalisa tayo. Ang Biblia ang ating gabay upang magkaroon ng ...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya