Pakikinig Mula sa Langit: Pakikinig sa Panginoon sa Pang-araw-araw na BuhayHalimbawa

"Ang 'Ako Nga' ay Ipindala Ako sa Iyo."
Noong bata pa ako, gusto kong marinig ang mga kuwento ng pagliligtas ng Diyos sa mga Israelita mula sa Egipto. Naihahalintulad ko ang buhay ko sa mga kuwentong ito. Ang pamumuhay sa matinding kahirapan ay tila pamumuhay bilang isang alipin sa Egipto.
Ang paglaki sa mahihirap na lugar sa Nairobi, Kenya ay magtutulak sa iyong tumawag sa Panginoon. Hihilingin mo sa Kanya na iligtas ka sa matinding kahirapan na tila hindi na matatakasan ng iyong pamilya. Ang kaalamang maririnig ng Diyos ang aking paghingi ng tulong ay nagbigay ng kaaliwan sa akin--Darating Siya upang tumulong. Gaya ng salmista, tumawag ako sa Kanya, ‘’Sasaklolo sa akin, saan manggagaling? Ang hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.”
Pinatunayan ng kuwento ng Exodo na dininig ng Diyos ang patuloy na paghingi ng tulong ng Kanyang bayan at hinangad na iligtas sila para sa Kanyang Kaharian. At nakikita ka rin Niya.
Higit pa rito, nagtalaga ang Diyos ng isang tao upang akayin ang Kanyang bayan mula sa pagkaalipin. Tiniyak ng Diyos kay Moises na Siya ay makakasama niya: “Ako nga ay sinugo Ako sa iyo.” Kailangang makinig at malaman ni Moses kung sino ang tumatawag sa Kanya. Bilang mga mananampalataya, kailangan nating alalahanin kung sino ang tumawag sa atin sa buhay na ating ginagalawan. Si Jesus, ang AKO NGA, ay kasama natin. Siya ang namumuno sa atin at nagbibigay-daan sa atin na maisakatuparan ang gawaing tinawag Niya sa atin.
Nakita ng Panginoon ang mga Israelita na nakikipagpunyagi sa Egipto at naparito Siya upang iligtas sila.
Naghihintay ka ba sa Diyos? Tila napakatagal na ba? Matiyaga tayong naghihintay sa Diyos sa kahirapan, karamdaman, kayamanan at lahat ng iba pang sitwasyon dahil alam nating dinirinig Niya ang ating mga panalangin at nakikita ang mga pangyayari na ating kinakaharap.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Panginoon ay buhay at aktibo ngayon, at direktang nagsasalita Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak. Ngunit kung minsan, maaaring mahirap Siyang makita at marinig. Sa paggalugad sa kuwento ng paglalakbay ng isang tao tungo sa pag-unawa sa tinig ng Diyos sa mga pook ng mahihirap sa Nairobi, malalaman mo kung ano ang hitsura ng marinig at sumunod sa Kanya.
More