Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikinig Mula sa Langit: Pakikinig sa Panginoon sa Pang-araw-araw na BuhayHalimbawa

Hearing From Heaven: Listening for the Lord in Daily Life

ARAW 2 NG 5

"Magsalita po kayo, Yahweh. Nakikinig po ang Inyong lingkod."

Palaging malinaw na nagsasalita ang Diyos sa Kanyang bayan. Sa pamamagitan ng mga pari at propeta, inihayag Niya ang mga katotohanan na nagbibigay-buhay sa mga nagmamahal at umaasa sa Kanya. At gustung-gusto pa rin Niyang magsalita sa Kanyang bayan! Ngunit kung hindi tayo nakakakita at nakakarinig, ang ating buhay bilang mga tagasunod ni Cristo ay magiging halos imposible.

Naisip mo ba kung ang salita ng Diyos ay madalang dumating? Na sa pagdaan ng mga araw, marahil mga taon, ay wala kang naririnig mula sa Diyos? Parang walang pag-asa. Ngunit iyon ang nangyari sa 1 Samuel. Habang ang bayan ng Panginoon ay nananabik na marinig ang Kanyang tinig, pinili Niyang ihayag ang Kanyang sarili sa isang binata.

Hindi pa kilala ng batang si Samuel ang tinig ng Diyos. Kaya't nang marinig niya ang tawag, tumugon si Samuel sa tanging paraan na alam niya kung paano: tumakbo siya sa taong nagtuturo sa kanya! Ngunit sa pamamagitan ng karunungan ni Eli, naunawaan ni Samuel kung sino ang nagmamay-ari ng boses at kung ano ang tunog nito.

Maaaring makilala ang tinig ng Diyos. Kailangan lang nating malaman kung ano ang dapat pakinggan!

Nabasa ko ang kuwentong ito noong bata pa ako sa programang Compassion International na dinaluhan ko, at labis akong napasigla nito. Nabubuhay sa matinding kahirapan, gusto kong laging ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa akin sa malaki at matapang na paraan. Ngunit ano ang gagawin ko kapag talagang ipinahayag na Niya ang Kanyang sarili sa akin? Anong itatanong Niya sa akin?

Matutong makinig sa Tinig ng Katotohanan sa halip na sa tinig ng pag-aalinlangan, kawalan ng pag-asa o panghihina ng kalooban. Sanayin ang iyong tainga na marinig ang Kanyang mabuting balita! Ibinigay ng Panginoon ang Kanyang Salita sa atin sa anyo ng isang aklat--basahin ang Kanyang katotohanan, na ginawa para lamang sa iyo, ang Biblia. Humanap ng maaaring magturo sa iyo na nakakakilala sa boses ng Panginoon at mag-aral kasama sila. Sumali sa isang grupo ng mga mananampalataya na nakakakilala at nagmamahal sa Panginoon at makapagpapasigla sa iyo sa iyong paghahanap sa tinig ng Panginoon.

Tinuruan ni Eli si Samuel kung paano siya tutugon sa tinig ng Panginoon: "Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod." Napakagandang tugon. Ganito rin tayo dapat tumugon sa tuwing maririnig natin Siyang nagsasalita.

Gusto ng Panginoon na ihayag ang Kanyang sarili sa Kanyang bayan. Gusto Niya tayong gabayan at pamunuan. Kilala mo ba ang boses ng Diyos? Ikaw ba ay naghahanap ng gabay para sa mga susunod na hakbang sa iyong buhay, negosyo, edukasyon, pamilya o ministeryo? Kung iyon ang iyong panalangin, manalangin kasama ko, “Magsalita ka, Panginoon, sapagkat ang iyong lingkod ay nakikinig.”

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing From Heaven: Listening for the Lord in Daily Life

Ang Panginoon ay buhay at aktibo ngayon, at direktang nagsasalita Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak. Ngunit kung minsan, maaaring mahirap Siyang makita at marinig. Sa paggalugad sa kuwento ng paglalakbay ng isang tao tungo sa pag-unawa sa tinig ng Diyos sa mga pook ng mahihirap sa Nairobi, malalaman mo kung ano ang hitsura ng marinig at sumunod sa Kanya.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.compassion.com/youversion