21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa

Gabay sa panalangin
Juan 3:3
Sumagot si Jesus, “Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.
Panalangin:
Ama, salamat sa pagbibigay sa amin ng daan na makapasok sa iyong kaharian. Idinadalangin ko si _______________________, na maunawaan niya kung ano ang kahulugan ng maipanganak na muli. Buksan Mo ang kanilang puso at isipan sa katotohanan ng kanilang sariling espirituwal na kamatayan at pagkaligaw. Nawa ay maunawaan ni _______________________ na ang maipanganak na muli ay ang paniniwala kay Jesus at ang Kanyang ginawa sa krus. Dalangin ko na sila ay di na muling magtitiwala sa kanilang sariling katuwiran at mabubuting gawa kundi ganap na maniwala kay Jesus bilang Siya na nagliligtas.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin
