21-Araw na Panalangin para sa mga Kaibigan Halimbawa

Gabay sa panalangin
Mateo 11:28
Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
Panalanginr:
Ama, ang pasanin dito sa mundo ay marami. Kami ay dinudurog, inaalipin at ginagawang balisa ng makamundong paghahangad. Namamalas ko na si _______________________ ay napapagal at nabibigatan sa maraming mga bagay. Dalangin ko na maibsan Mo ang kanyang kirot at pagdurusa at balang araw si _______________________ ay makakatagpo ng tunay na kapahingayan sa Iyo. Ipagkaloob Mo sa kanya ang malalim na pagkaunawa sa kahungkagan ng mga makamundong paghahangad at lumapit sa Iyo nang may pagsisisi at pananampalataya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kadalasan tayo ay nahihirapan na ibahagi ang ebanghelyo sa ating mga kaibigan. Tayo ay natatalo ng takot o kaya ay hindi natin alam ang ating ibabahagi. Kailangan nating lahat ng pasanin na abutin ang ating mga naliligaw na kaibigan para kay Cristo. Ito ay 21-araw na babasahing gabay sa Biblia na tutulong sa atin na pagnilayan ang partikular na mga talata na may kinalaman sa pagbabahagi ng ebanghelyo at may kalakip na maikling panalangin bawat araw para sa ating mga kaibigan.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Mag One-on-One with God

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan
