Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdaan sa Panahon ng KahirapanHalimbawa

Going Through Hard Times

ARAW 4 NG 4

Ang Lugar ng Paghihintay



Madalas ay naririnig natin ang kasabihan na pansamantala habang naghihintay para sa isang bagay. Kapag tayo'y nasa lugar ng paghihintay, ang "pansamantala," ang paghihintay ng ating paggaling o ng ating himala, ay kadalasang hindi mabuti, hindi ba? 



Kaya, ano ang ginagawa natin pansamantala? Paano natin pinapanatili ang ating pananampalataya at tiwala na patuloy na kumikilos ang Diyos kahit hindi natin ito nakikita? Narito ang ilang mga mungkahi para sa atin habang tayo ay naghihintay sa ating pakikibaka:



Purihin Siya sa Iyong Paghihirap

Isa sa mga mahahalagang bagay na maaari nating gawin sa ating paghihirap ay ang papurihan ang Diyos. Siya'y karapat-dapat bigyan nito araw-araw. Kapag ating iisipin ang lahat ng bagay na Kanyang ginawa para sa atin pati ang walang hanggan na ating tatamasahin kasama Niya, paanong hindi natin Siya pupurihin? Tumuon sa mga katangian ng Diyos—Siya'y walang hanggan, hindi nagbabago, makapangyarihan sa lahat, perpekto, maawain, mapagmahal at Siya'y nasa lahat ng dako sa lahat ng oras. Binibigyan natin ang Diyos na kaluwalhatian at papuri bago pa man tayo makaalis sa isang pagsubok o makatanggap ng sagot na nais natin.



Patuloy na Itaas

Sa gitna ng pasakit na ito, maaaring ang nakikita mo lamang ay ang iyong kahinaan, hindi ang espirituwal na kalamnan na tumutubo sa iyo o kung gaano ka nagiging malakas. Ngunit sa bawat pag-uulit ng panalangin, pagsamba, pagbasa ng Salita ng Diyos, at pagtitiwala sa Kanyang mga pangako, ang iyong espiritu ay lumalakas. Sa ating kahinaan ay nagiging ganap ang Kanyang kalakasan. Maraming nagsasabi na ang mga pagsubok ay nagpapalakas sa atin o nakasisira sa atin. Paniwalaan na ang iyong pinagdaanan ay nagpapalakas sa iyo.



Ibuhos ang Iyong Puso

Ang Diyos ay hindi natatakot sa lahat ng pasakit na iyong pinapasan. Kayang-kaya Niyang pamahalaan ang lahat ng iyong mga tanong, takot, maski na ang iyong galit. Patuloy kang lumapit sa Kanya. Ang mga pagsubok ay nagpapalapit o nagpapalayo sa atin kay Cristo. Kumapit sa Kanya. Hindi mo man maintindihan kung bakit ang pagsubok na ito ay nasa iyong buhay. Ito ang panahon upang iyong isabuhay ang mga katotohanang natutunan mo noong mga panahong hindi mahirap ang buhay. Ito ay pang-araw-araw na pagsuko at pagtitiwala.



Pakaisipin ang Walang Hanggan

Dapat nating ituon ang ating mga mata sa walang hanggan. Kapag tumuon tayo sa kung ano ang nakikita, tayo'y nakatingin lamang sa mga panandalian o pansamantalang mga bagay. Ang hindi natin nakikita, ang paraan ng pagkilos ng Diyos sa likod ng telon, ang pang-walang hanggan. Ang Diyos ay kumikilos sa atin, sa pamamagitan natin, para sa atin, at oo, kasama natin. Piliin nating maipakita ang pagiging matiyaga at matiisin habang sinasaisip at sinasapuso natin ang pagdating ng Kanyang perpektong panahon. 



Habang ikaw ay nagdaraan sa iyong panahon ng paghihintay, huwag kang matakot na lumingon at tingnan ang iyong pagpupunyagi. Dahil nagkaroon ka rin ng ilang tagumpay. Pagtapos nito, ipagpatuloy mo lang ang susunod na hakbang. Hindi natin masasabi kung kailan ka gigising at makakita ng pahinga mula sa iyong espirituwal na panghihina. Ang araw na akala mong wala nang pag-asa ay marahil ang araw ng iyong pambihirang tagumpay. 



Magnilay




  • Kung ika'y nasa lugar ng paghihintay sa iyong buhay, hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang isang bagay na Kanyang ginagawa sa iyo at sa iyong araw. 

  • Mula sa babasahin sa Biblia para sa araw na ito, aling bersikulo o sipi ang tumagos sa iyo? Isulat ang iyong mga saloobin. 

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Going Through Hard Times

Ang pagharap sa mahihirap na mga sitwasyon sa ating mga buhay ay hindi maiiwasan. Ngunit sa maikling 4-araw na Gabay na ito, tayo ay mahihikayat na malaman na tayo ay hindi nag-iisa, na may layunin ang Diyos para sa atin...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya