Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagdaan sa Panahon ng KahirapanHalimbawa

Going Through Hard Times

ARAW 3 NG 4

Paano Ginagamit ng Diyos ang mga Pagsubok



Habang tayo'y dumadaan sa mga mapaghamong panahon na ito sa ating mga buhay, tayo ay lumalago sa pamamagitan ng mga ito o hindi. At walang paghatol o panghuhusga kung sakaling nahahanap mo ang iyong sarili na masama pa rin ang loob sa Diyos kapag ikaw ay dumadaan sa mga pagsubok. Dumadaan tayong lahat dyan. Ngunit, sa patuloy nating paghahangad sa Kanya, matatagpuan natin Siya. Isang paraan upang masabi natin na mas lumalalim at "nahihinog" ang ating pananampalataya ay kapag ang ating mga "bakit" ay nagiging "paano" na mga tanong. 



Paano Mo ito gagamitin sa aking buhay?

Paano Mo gagamitin ang pagsubok na ito upang mapabuti ang iba?

Paano Mo maipalalabas ang kabutihan sa pamamagitan ng pagkawasak na ito?



Mayroong isang pamosong kasabihan na nakikilala sa mga pangkat ng Cristiano at iyon ay Walang sinasayang ang Diyos. At iyon ang ating katotohanang puno ng pag-asa. Kahit tayo pa man ay itinapon doon sa mga hindi natin nais na mga mapaghamong mga sitwasyon o dalhin man doon ng ating mga pagpili, gagamitin ng Diyos ang bawat katiting na bahagi nito upang iligtas ang ating mga buhay, tulungan mapabuti ang iba, at tumanggap ng kaluwalhatian. Talakayin natin kung ano ang ginagawa ng Diyos sa ating mga pasakit.



Tayo ang Kanyang Binabago

Kapag tayo ay nagdurusa sa mga napakahihigpit at napakasasakit na mga pagsubok, karamihan sa atin ay nais na lamang itong "lampasan." Ngunit upang tayo ay tuluyang makalampas rito, dapat muna natin itong daanan. Kailangan nating paglabanan ang sakit, harapin ang anumang nakababasag ng ating mga puso upang makita natin ang paggaling sa kabilang dako. Habang tayo ay dumaraan sa mga bagyo sa ating buhay, tayo ay nagiging mas malakas, mas matibay para rito. 



Ang Iba ay Kanyang Binabago

Marami sa atin ang napagtibay ng mga hamon sa ating buhay na siyang nakapagbigay sa atin ng mga karanasang hindi natin makukuha sa anumang paaralan. Wala man tayong titulo mula sa kolehiyo, tayo naman ay mga eksperto sa ating sariling mga kapighatian. Nakikita ito ng Diyos at ginagamit Niya tayo bilang Kanyang mga sisidlan upang tulungan ang iba. Isinulat ni Pablo sa 2 Mga Taga-Corinto 1:4 na Inaaliw Niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis." Hindi Niya hinahayaan na danasin natin ang mga napakabibigat na mga paghihirap na iyon para lamang pagdaanan natin. Hindi, ang Kanyang nais ay upang tayo ay manangan sa Kanyang kaginhawaan at kaaliwang at ibahagi ito sa iba. 



Sinasabi sa Mga Taga-Roma 8:28 na "sa lahat ng bagay" ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. Hindi sa iilan lamang o sa kakaunti lamang ngunit sa lahatng bagay. Pinasan ng Diyos ang pinakamasalimuot na bagay na maaaring mangyari—ang pagpanaw ni Jesus sa krus—at ginamit ito para sa mas higit na nakabubuti—para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan. Mas mabigat ang sakit, mas malaking pagkakataon upang maipakita ang napakagandang pagtubos ng Diyos. Sa bawat nakapangtutubos na kuwento, tinatanggap ng Diyos ang kaluwalhatian kung paano Niya binabago ang mga trahedya sa ating mga buhay upang maging mga tagumpay. 



Sa ating panghuling araw sa Gabay na ito, pag-uusapan natin kung bakit ang ating mga mapaghamong mga panahon ay tumatagal kaysa sa ating ninanais. At sa paghihintay, aalamin natin kung papaano mas pagkakatiwalaan ang Diyos at palalaguin pa ang ating pananampalataya.



Magnilay




  • Ano ang pinakamahirap na pagsubok ang iyo nang napagdaanan? Paano mo maaaring gamitin ang sakit na iyong nararamdam upang makatulong mapabuti ang iba?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Going Through Hard Times

Ang pagharap sa mahihirap na mga sitwasyon sa ating mga buhay ay hindi maiiwasan. Ngunit sa maikling 4-araw na Gabay na ito, tayo ay mahihikayat na malaman na tayo ay hindi nag-iisa, na may layunin ang Diyos para sa atin...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya