Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Debosyonal ni Andrew MurrayHalimbawa

Andrew Murray Devotional

ARAW 6 NG 7

ANG KRUS NI CRISTO



Ang krus ni Cristo ang Kanyang pinakadakilang kaluwalhatian. Dahil nagpakababa Siya sa Kanyang sarili hanggang sa kamatayan sa krus, lubos Siyang itinaas ng Diyos. (Tingnan sa Mga Taga Filipos 2:8–9.) Ang krus ay ang kapangyarihang lumupig kay Satanas at sa kasalanan.



Ang Cristiano ay nakikibahagi kay Cristo sa krus. Ang nakapakong Cristo ay nabubuhay sa kanya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at ang espiritu ng krus ay nagbibigay inspirasyon sa kanya. Siya ay nabubuhay bilang isa na namatay kasama ni Cristo. Habang napapagtanto niya ang kapangyarihan ng pagpapako kay Cristo sa krus, nabubuhay Siya bilang isang namatay sa mundo at sa kasalanan, at ang kapangyarihan ay naging isang katotohanan sa Kanyang buhay. Ito ay bilang ang Ipinako sa Krus na si Cristo ay nabubuhay sa Kanya.



Sinabi ng ating Panginoon sa Kanyang mga disipulo, “Pasanin [iyong] krus, at sumunod sa Akin” (Mateo 16:24). Naintindihan ba nila ito? Nakakita sila ng mga lalaking nagpapasan ng krus, at alam nilang nangangahulugan ito ng masakit na kamatayan. Sa buong buhay Niya, pinasan ni Cristo ang Kanyang krus—ang hatol na kamatayan na Siya ay mamatay para sa mundo. Sa katulad na paraan, dapat pasanin ng bawat Cristiano ang kanyang krus, kilalanin na siya ay karapat-dapat sa kamatayan, at maniwala na siya ay napako sa krus kasama ni Cristo at na ang Isang Nakapako ay nabubuhay sa kanya. “Ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama Niya” (Mga Taga-Roma 6:6). “At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.” (Mga Taga-Galacia 5:24). Kapag tinanggap na natin ang buhay na ito sa krus, masasabi natin kasama ni Pablo, “Huwag nawang mangyari sa akin ang ganon. Ang ipinagmamalaki ko ay ang kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo..” (Mga Taga-Galacia 6:14).).



Ito ay isang malalim na espirituwal na katotohanan. Isipin at ipanalangin ito, at tuturuan ka ng Banal na Espiritu. Hayaan ang disposisyon ni Cristo sa krus, ang Kanyang kababaang-loob, ang Kanyang sakripisyo ng lahat ng makamundong karangalan, ang Kanyang espiritu ng pagtanggi sa sarili, ang magtaglay sa iyo. Ang kapangyarihan ng Kanyang kamatayan ay gagana sa iyo, ikaw ay magiging katulad Niya sa Kanyang kamatayan, at “lubusan mong makikilala si Cristo, at mararanasan ang kapangyarihan ng Kanyang muling pagkabuhay” (Mga Taga-Filipos 3:10). Maglaan ng oras, mahal na mambabasa, upang si Cristo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ay maihayag ang Kanyang sarili bilang Napako sa Krus.


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Andrew Murray Devotional

Si Andrew Murray ay isang pastor sa Timog Africa na sumulat ng maraming libro at maiikling debosyon upang maipakalat ang Salita ng Diyos sa mga taong nasa mga nayon. Pinagsama-sama mula sa karamihan ng mga minamahal na l...

More

Nais namin pasalamatan ang Whitaker House para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.whitakerhouse.com/product/andrew-murray-devotional/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya