Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Debosyonal ni Andrew MurrayHalimbawa

Andrew Murray Devotional

ARAW 5 NG 7

PAGSUNOD



Nagbigay ang Diyos ng utos sa Israel nang ibinigay Niya sa kanila ang batas: "Sundin ang Aking mga utos...at Ako ay magiging Diyos nila" (Jeremias 11:4).. Ngunit ang Israel ay walang kapangyarihan upang mapanatili ang batas. Kaya't binigyan sila ng Diyos ng isang bagong tipan, upang ang Kanyang bayan ay mamuhay ng isang buhay ng pagsunod. Mababasa natin, "Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso.”(Jeremias 31:33); ““Makikipagtipan ako sa kanila ng isang walang hanggang tipan; pagpapalain ko sila habang panahon at tuturuang sumunod sa akin nang buong puso upang hindi na sila tumalikod pa sa akin.” (Jeremias 32:40); “Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.” (Ezekiel 36:27). Ang mga kahanga-hangang pangakong ito ay nagbigay sa Israel ng katiyakan na ang pagsunod ay magiging kanilang kaluguran.



Tingnan kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa pagsunod: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin" (Juan 14:21); “Ang umiibig sa akin ay tumutupad ng aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y tatahan at mananatili sa kanya" (talata 23); “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig” (Juan 15:10). Ang mga salitang ito ay isang hindi mauubos na kayamanan. Sa pamamagitan ng pananampalataya ay matatag tayong magtitiwala kay Cristo upang tayo ay mamuhay ng isang buhay ng pagmamahal at pagsunod.



Walang ama ang makakapagsanay sa kanyang mga anak maliban kung sila ay masunurin. Walang guro ang makapagtuturo sa batang patuloy na sumusuway sa kanya. Walang heneral ang makakaakay ng kanyang mga sundalo sa tagumpay nang walang agarang pagsunod. Ipanalangin na itatak ng Diyos ang aral na ito sa iyong puso: ang buhay ng pananampalataya ay buhay ng pagsunod. Kung paanong si Cristo ay nabuhay sa pagsunod sa Ama, tayo rin, ay kinakailangang sumunod para sa isang buhay sa pag-ibig ng Diyos.



Ngunit napakaraming tao ang nag-iisip, “Hindi ako maaaring maging masunurin; ito ay imposible." Oo, imposible sa iyo, ngunit hindi sa Diyos. Nangako Siya na “makakalakad kayo ayon sa [Kanyang] mga tuntunin” (Ezekiel 36:27). Manalangin at pagnilayan ang mga salitang ito, at pagliliwanagin ng Banal na Espiritu ang iyong mga mata, upang magkaroon ka ng kapangyarihang gawin ang kalooban ng Diyos. Hayaang ang iyong pakikisama sa Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo ay magkaroon nito bilang isang layunin: isang buhay na tahimik, determinado, walang pag-aalinlangang pagsunod.


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Andrew Murray Devotional

Si Andrew Murray ay isang pastor sa Timog Africa na sumulat ng maraming libro at maiikling debosyon upang maipakalat ang Salita ng Diyos sa mga taong nasa mga nayon. Pinagsama-sama mula sa karamihan ng mga minamahal na l...

More

Nais namin pasalamatan ang Whitaker House para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.whitakerhouse.com/product/andrew-murray-devotional/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya