Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kapangyarihan Ng PanalanginHalimbawa

 Kapangyarihan Ng Panalangin

ARAW 4 NG 5

Ngayong Bagong Taon, Ang Lahat ay Maaaring Gumawa ng Isang bagay


May isang mangangaral ang nagtanong sa isang batang babae  kung anong gawaing mabuti ang ginagawa niya para sa Panginoon? Ipinaliwanag ng batang babae na mayroon lamang siyang kaunting oras na maaring ibigay sa "gawain sa simbahan." "Ngunit," idinagdag niya, "Palagi akong nagdadala ng mga pahayagan sa aking silid-tulugan tuwing gabi."


Nagulat, tinanong ng mangangaral ang batang babae kung  anong kaugnayan ng pahayagan sa kanyang paglilingkod sa Diyos at anong magandang bagay ang idudulot ng gawaing iyon. At nagpaliwanag ang batang babae, "Una, bubuksan ko ang kolum ng mga isinilang. Ipinagdarasal ko na ang bawat bagong panganak ay magkaroon ng kaligtasan at madala sa ating Tagapagligtas, sa murang edad at maging isang malaking pagpapala sa mundo. Pagkatapos, susuriin ko ang mga kolum tungkol sa pag-aasawa at ipapanalangin ko na ang mga mag-asawa ay mananatiling tapat sa kanilang asawa at itayo ang kanilang pamilya batay kay Cristo. Pagkatapos, magbubukas ako ng isang pahina na may mga anunsyo ng kamatayan at babanggitin ko sa Panginoon ang nagdadalamhating pamilya, at hihilingin ko na sa kanilang kalungkutan, sila ay magbabalik-loob sa Diyos. "


Debosyon


Ang pananalangin ay isang bagay na magagawa ng lahat, anuman ang edukasyon, karanasan o anumang bagay. Ang bawat isa sa atin ay maaaring manalangin para sa iba at hilingin sa Diyos na gumawa sa kanilang buhay. Ano ang pasanin ng ating mga panalangin para sa mga taong nakapaligid sa atin? Patuloy natin silang ipanalangin at makikita natin ang kapangyarihan ng Diyos na mahahayag sa kanilang buhay.


Ang pinakamagandang bagay na magagawa ng isang tao para sa Diyos o sa ibang tao ay ang manalangin. (S. D. Gordon) 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

 Kapangyarihan Ng Panalangin

Ang debosyong ito ay magpapahayag sa atin ng kapangyarihan ng panalangin, na ang Diyos ay pwede nating makausap at tumutugon sa mga nananamplataya sa Kanya.

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya