Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kapangyarihan Ng PanalanginHalimbawa

 Kapangyarihan Ng Panalangin

ARAW 2 NG 5

Kung walang panalangin, maari akong mabigo


May isang pastor mula sa New York, at sa kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Lincoln sa White House, sinabi niya, "G. Pangulo, hindi ako naparito upang humingi sa iyo ng anuman; ako ay narito upang sabihin sa iyo na may mga taong tapat  sa hilagang estado na sumusuporta sa iyo ngayon at sila ay magpapatuloy na susuporta sa iyo.


Ibibigay namin sa iyo ang lahat ng mayroon kami: ang buhay ng aming anak, ang aming tiwala, at aming mga dalangin. Dapat mong malaman na walang ama o ina ang maaaring manalangin sa oras na ito nang hindi humihiling sa Diyos na bigyan ka ng karunungan at lakas." Puno ng luha, sumagot si G. Lincoln, "Kung wala ang mga dalangin na ito, nag-aalala ako na matagal na akong nabigo. Ipaabot mo sa lahat ng kilala mong ama at ina na patuloy na manalangin, at patuloy akong lalaban sapagkat alam kong kasama natin ang Diyos.


Nang lilisanin na ng pastor ang silid, hinawakan ni G. Lincoln ang kamay ng pastor at sinabi, "Sa palagay ko maaari kong ituring ito na isang pagbisita ng isang ministro?"


"Tama iyon," sagot ng pastor. "Sa ibang bansa," sabi ni Lincoln, "kapag ang isang pastor ay naatasan sa  isang pagbibisita, isang tradisyon na hilingin ang pastor na manguna sa isang panalangin. Kaya't nais kong hilingin sa iyo na manalangin para sa akin ngayon. Manalangin na magkaroon ako ng lakas at karunungan. "


Ang dalawang lalaki ay lumuhod na magkatabi, nanalangin ang pastor nang buong kasabikan at humingi ng kahilingan sa Diyos na Makapangyarihan mula sa kanyang mga labi. Nang sila ay tumayo, hinawakan ng pangulo ang kamay ng kanyang panauhin at nagkomento nang may kasiyahan, "Napakabuti ng aking nararamdaman ngayon"


Debosyon


Ang panalangin na may pagtitiwala sa Diyos ang susi sa tagumpay ng bawat isa sa atin. Lagi ba tayong nananalangin ng karunungan at lakas  para sa ating pang araw- araw na gawain? Palagi ba nating iniaasa sa Diyos na Makapangyarihan ang  lahat sa ating buhay?


Habang mas maraming pagluhod ang ginagawa ng tao sa harap ng Diyos. mas matuwid siyang makakatayo sa harap ng mga tao. (Hindi nagpakilala) 

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

 Kapangyarihan Ng Panalangin

Ang debosyong ito ay magpapahayag sa atin ng kapangyarihan ng panalangin, na ang Diyos ay pwede nating makausap at tumutugon sa mga nananamplataya sa Kanya.

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya