Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

DIYOS + MGA LAYUNIN: Paano Magtakda ng Mga Layunin Bilang Isang CristianoHalimbawa

GOD + GOALS: How To Set Goals As A Christian

ARAW 5 NG 5

ARAW 5: Paano kapag hindi ko kayang tapusin aking sinimulan? 


May mabubuti kang layunin sa isip, at nagtitiwala ka sa Diyos na gagabayan ka Niya. Pero, paano kapag mabigo ka? Natatakot kang hindi mo makakaya, magkakamali ka, at mabigo ang Diyos.


May kilalang kasabihan na nagsasabing, "Naniwala siyang kaya niya kaya nagawa niya." Ang Salita ng Diyos ay nagpapahayag sa atin ng mas malalim at nagpapalayang katotohanan: Naniwala siyang hindi niya kaya, kaya ang Diyos ang gumawa. Hindi mo kailangang gawin lahat, kaibigan. Hindi inaasahan ng Diyos na ikaw ay maging perpekto. Kaya nga ipinadala ng Diyos si Jesus para iligtas tayo—alam NIyang kailangan natin ng isang Manunubos para maging ating lakas tuwing tayo ay nanghihina, para gabayan tayo, upang ipakita ang daan, at saluin ang kaparusahan ng ating mga kasalanan. Ang ebanghelyo ang panggatong nagpapasiklab sa ating mga layuning pinamumunuan ng Diyos, nagbibigay sa sa atin ng pagganyak upang bumalik sa tamang landas sa tuwing tayo ay mawawala. Kung saan hindi mo kaya, makakaya Niya. Sa katunayan, ginawa na Niya sa krus. Kahit ano pa ang iyong makamit o hindi makamit, nakamit na ng Diyos ang panghuling tagumpay laban sa kamatayan para sa iyo at para sa akin! Walang kamaliang nagawa mo na hindi Niya kaya gawing tama.


Ating pagsama-samahin lahat:


  • Hingin ang Kanyang karunungan sa mga layunin para sa iyo ng Diyos at sa paggawa ng mga plano. Ibibigay Niya ito sa iyo!
  • Humakbang sa pananampalataya, sa mga malalaking layunin at sa mga tila pangkaraniwang khakbang sa pagitan.
  • At magtiwala sa Kanyang grasya na ibubuhos Niya sa iyo  sa maraming beses na magkakamali ka—dahil talagang magkakamali ka! Pero, kung ang iyung mga layunin ay patungo sa Kanya, hindi ka mawawala. Lilingon ka sa Kanya para sa lakas at karunungan, habang inaalala na ang paraan  kung paano mo makamit ang iyong mga layunin ay hindi mahalaga kumpara sa dahilan kung bakit.

Manalangin tayo: Panginoon, isang maligayang pakikipagsapalaran ang pakikinig sa Salita mong nagbibigay buhay! Tulungan mo ako na gamitin ang aking mga natutunan at higit sa lahat, tulungan mo akong ibahagi sa iba ang Magandang Balita ni Jesus. Dalhin sana ako ng lahat ng aking mga layunin, malaki man o maliit, sa iyong paanan. At sa tuwing ako ay pumalpak, paalahanin mo ako sa iyong nakakapagbagong grasya. Hayaan mo ang grasyang ito na dalhin ako paabante upang mamuhay ayon sa hangarin mo! Sa ngalan ni Jesus. Amen!


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

GOD + GOALS: How To Set Goals As A Christian

Mainam bang magtakda ng mga layunin bilang isang Cristiano? Paano mo malalaman kung ang isang layunin ay mula sa Diyos o sa iyong sarili? At ano nga ba ang hitsura ng mga layunin ng Cristiano? Sa 5-araw na gabay sa pagba...

More

Nais naming pasalamatan ang Cultivate What Matters para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.cultivatewhatmatters.com/youversion

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya