Magsimula rito | Mga Unang Hakbang kasama si JesusHalimbawa

Maligayang pagbabalik, mga kaibigan. Ngayon, may isang babala patungkol sa panlilinlang. Tayo'y nasa Mga Taga-Colosas 2, at sinasabi sa bersikulo apat na,
"Sinasabi ko ito upang hindi kayo mailigaw ninuman sa pamamagitan ng mga pananalitang mapanghikayat."
Ayaw kong pinagsisinungalingan. Gayunpaman mayroong mga panlilinlang - mga huwad na guro o hindi mabuting mga guro - at ang kanilang mga argumento ay maaaring maging tama. Pero huwag kang magpapalinlang. Dahil ang panlilinlang ay maaaring magdala sa iyo sa maling direksyon. Nakasakay na ba kayo ng bus sa maling daan? O mas malala pa, noong nasa paaralan ako ay nagkamali ako ng daan sa isang 5k na karera at tumakbo palayo mula sa finish line para sa home stretch. Sa puntong iyon ang bilis ay hindi mahalaga - ako ay pupunta sa maling daan! At ito ay maaaring mangyari din sa espirituwal.
Habang sinusunod natin si Jesus, kailangan nating manatili sa landas - papunta sa tamang daan. At ang tamang paraan ng pagsunod kay Jesus - ay ang sumunod kay Jesus. Siya ang daan. Maaaring alam na natin iyan, ngunit kung minsan ay naguguluhan tayo. O mas masahol pa - nalilinlang. Kaya't upang mapanatili tayo sa landas, magsimula tayo sa Salita. Mga Taga-Colosas 2, bersikulo 6:
"Sapagkat tinanggap na ninyo si Cristo Jesus bilang Panginoon, mamuhay kayo sa paraang karapat-dapat sa kanya."
Gusto ko iyon. Magsimula kay Jesus - at manatili kay Jesus. Ang mga huwad na guro ay nagtutulak sa mga mananampalataya palayo sa pagiging simpleng pagsunod lamang kay Jesus. Kaya't magpatuloy sa Kanya, sa bersikulo 7,
"...Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya.
Pag-isipan ito. Kapag nagtanim ka ng puno, itinatali mo ang isang gabay na kahoy sa isang bagong puno para makapagsimula ito. Ang ilang mga tao ay tinatrato si Jesus na parang siya ang maliit na gabay na iyon. Kapag lumaki sila ay iniiwan na Siya. Huwag itong gawin. Si Jesus ang ating pinakaugat. Siya ang baging, tayo ang mga sanga. Ang mga ugat ay nagbibigay ng mga sustansya para sa paglaki at pinapanatili tayong matatag sa isang bagyo. Tayo ay "nakaugat at nakatayo" kay Jesus. Kaya muli tayong binabalaan ni Pablo: huwag mabihag ng "hungkag at mapanlinlang na pilosopiya" na hindi nakaugat kay Jesus. Talata 9:
"Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya'y nagkatawang-tao."
Wow. Ang kapuspusan ng Diyos sa isang katawan. Si Jesus iyon. Kapuspusan - hindi lang kaunti, isang daang porsyento. At bersikulo 10:
"...kay Cristo ay ginawa kang ganap."
Sa madaling salita, si Jesus ay ganap na Diyos, at kapag ikaw ay nakaugat sa Kanya, ikaw ay magiging ganap na ikaw - ang taong dapat kang maging.
Kaya itinutulak ng mga huwad na guro ang mga Cristiano sa landas sa pamamagitan ng pagtuturo na si Jesus ay bahagyang Diyos lamang. At sa halip na sundin si Jesus, nakatuon sila sa pagsunod sa mga alituntunin. Sinasabi nilang kailangan mong gawin ang mga bagay na ito para makapunta sa Langit. Mga bagay mula sa Lumang Tipan, tulad ng pagtutuli.
Sige, tumigil ka sa pagtawa. Ang pagtutuli ay sinadya bilang isang pisikal na larawan na may espirituwal na kahulugan. Ang pagputol ng laman ay naglalarawan kung paano ang ating laman - ang ating makasalanang kalikasan - ay pinutol ng Panginoon. Ngunit ang pisikal na pagtutuli ay para sa mga Judio, ito ay hindi kailanman iniutos para sa mga Cristiano. Gayunpaman, iginiit ng mga huwad na guro na magpatuli ang mga lalaking Cristiano, at ginawa nila ang pagsunod kay Jesus sa isang grupo ng mga gawin at hindi dapat gawin, na nagsisikap na maging mabuti. Ngunit sinabi ni Pablo na ginawa ni Jesus ang gawain - pinutol Niya ang ating laman - sa espirituwal, hindi sa pisikal.
At ang talatang 12 ay nagsasabi ng tungkol sa bautismo. Kung kay Jesus ka, tinatawag ka Niya para magpabautismo. Ang bautismo ay hindi isang gawain para maligtas ka, ito ay isang bagay na ginagawa mo dahil iniligtas ka ni Jesus. Sa bautismo, nakikilala natin si Jesus: ang dati kong buhay ay namatay kasama si Jesus sa krus, at ang Kanyang muling pagkabuhay ay nagdulot sa akin ng bagong buhay. Kaya ang pagbabautismo ay naglalarawan ng paglilibing - pababa sa tubig, at muling pagkabuhay - pataas sa tubig.
At ang bagong buhay na iyon ay kung paano natin sinusunod si Jesus ngayon. Wala na ang dati. Hindi tayo gumagawa para mabayaran ang lahat ng ating mga kasalanan. Sinasabi ng bersikulo 13 na si Jesus
"...ay pinatawad ang lahat ng aming mga kasalanan."
Kinansela Niya ang ating buong utang - wala nang iba pang babayaran. Ang iyong kasalanan ay wala na sa iyo.
At iyan ang dahilan kung bakit ang pagsunod kay Jesus ay hindi lamang isang hanay ng mga tuntunin. Sa talatang 16, hindi ito tungkol sa "kung ano ang iyong kinakain o iniinom," o tungkol sa "mga relihiyosong pagdiriwang" o ang araw ng Sabbath. Ang mga bagay na iyon ay nasa Lumang Tipan, at mahalaga ang mga ito, ngunit ipinaliliwanag ng bersikulo 17 na lahat sila ay...
"...isang anino ng mga bagay na darating."
Ang mga anino ay kapaki-pakinabang - binibigyan ka nila ng isang balangkas ng kung ano ang darating. Ngunit sinabi ni Pablo na ang katotohanan - ang sangkap "ay matatagpuan kay Cristo."
Si Jesus ang tunay na totoo. Ang mga tuntunin at tradisyon ay isang anino lamang.
Kapag napatuon tayo sa mga kailangang gawin - tulad ng "Kailangan mong sumamba, kailangan mong manalangin" - ginagawa nating pambayad ang pagsamba. Pagkatapos ay nagdaragdag tayo ng higit pang mga panuntunan tulad ng bersikulo 21,
“Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”"
Sinabi ni Pablo na ang mga panuntunang iyon ay may "anyong karunungan," ngunit hindi gumagana ang mga ito. Hindi mo magagawang mabuti ang iyong sarili sa mahigpit na mga tuntunin at sapilitang pagsamba. At ang buhay ay hindi isang kahon ng mga huwag-gawin.
Makinig. Kapag sinusunod natin si Jesus, maraming mga bagay na dati nating ginagawa na hindi na natin ginagawa. Pero hindi dahil sa mga alituntunin. Nagbabago tayo dahil tayo ay ginawang bago. Tayo ay nakaugat kay Jesus at puspos ng Banal na Espiritu, na tumutulong sa atin na iwanan ang kasalanan at mamuhay nang matuwid. Hindi iyon anino - iyon ang katotohanan.
Ang pagsunod sa mga panuntunan ay isang pambayad sa kasalanan. Ang pagsunod kay Jesus ay isang biyaya. Basahin ang Mga Taga-Colosas 2, at tiyaking papunta ang iyong bus sa tamang direksyon.
Para sa Pagninilay at Talakayan
- Sinasabi sa atin ni Pablo na magpatuloy kay Jesus, katulad ng ating pagsisimula sa Kanya. Anong mga panganib at panlilinlang ang nakikita mo na maaaring makagambala sa iyong pagsunod kay Jesus?
- Paano naiiba ang pagsunod kay Jesus sa pagsunod sa mga tuntunin? ( Basahin ang 2:16-17)
- Ang karanasan mo ba sa pagsunod kay Jesus ay parang isang pambayad sa kasalanan o isang biyaya? Ibahagi ang iyong kuwento.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung ikaw ay bago kay Jesus, bago sa Biblia, o tumutulong sa isang kaibigan - Mag-umpisa Rito. Sa susunod na 15 na araw, ang mga 5-minutong audio guides na ito ay maghahatid sa 'yo dahan-dahan sa dalawang pangunahing mga aklat sa Biblia: sa Marcos at sa Mga Taga-Colosas. Subaybayan ang kuwento ni Jesus at tuklasin ang mga pangunahing kaalaman sa pagsunod sa Kanya, na may pang-araw-araw na mga tanong para sa indibidwal na pagninilay o panggrupong talakayan. Sundan upang magsimula, at mag-imbita ng kaibigan at sundan muli!
More
Mga Kaugnay na Gabay

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang Magkakasama

Pag-asa sa Panahon ng Pandaigdigang Pandemya

Paano Magsisimulang Magbasa ng Biblia

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Dayuhan Tayo Sa Mundo

God Is With You

Buhay Si Jesus!

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103
