Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Papaano Mag-Aral ng Biblia (Mga Pundasyon)Halimbawa

How To Study The Bible (Foundations)

ARAW 5 NG 5

Ang Mabuting Pag-aaral ng Biblia ay Nagpapabago


 


Ang mga taong handang maging mahina ay kumikilos sa gitna ng mga misteryo. – Theodore Roethke


 


Isipin na papasok ka sa opisina ng doktor dahil may sakit ka ngunit sa halip na gamitin ang thermometer sa paraang nararapat (sa pamamagitan ng paglalagay nito sa iyong bibig, tainga, o sa iyong noo), ito ay inilalagay sa iyong kamay. Pagkatapos ng ilang segundo, kinukuha ito ng nars at sasabihin sa iyo na mukhang maayos ang iyong temperatura. 


Paano ka tutugon? Syempre, mukhang maayos ito, hindi mo ito ginamit sa tamang paraan


Sa tagpong iyon, ginamit sa ganoong paraan, ang pinakamainam na magagawa ng thermometer ay basahin ang temperatura ng silid na nakapaligid dito. Hindi ito dahil ang mismong thermometer ay sira o hindi epektibo. Hindi lang ito ginamit nang tama.


Sa katulad na paraan, kapag ang Biblia ay malayo sa lugar natin, hindi natin makukuha ang malalim na kapangyarihan, katotohanan, at buhay na naghihintay na magamit. Ang Biblia ay isa sa mga pangunahing paraan na pinili ng Diyos upang ihayag ang kanyang sarili sa atin. Kung nais nating magkaroon, maging, at gawin ang lahat ng nilalayon ng Diyos, ang lahat ay nagsisimula sa paglapit sa Biblia na may tamang mga kasangkapan at layunin.


Para sa aking sariling paglakad bilang Cristiano, narito ang pitong haligi ng mabisa (at nagpapabago) na pag-aaral ng Biblia:


  1. Pag-unawa sa konteksto.
  2. Pagbuo ng isang gawi.
  3. Pagsasanay sa pagsasaulo.
  4. Paggamit ng mga tamang kasangkapan.
  5. Natututo sa komunidad.
  6. Pagsasama ng panalangin.
  7. Paghahanap ng kahinaan. 

Maaaring may karagdagan pa sa iyong sariling paglakad, ngunit tiyak na hindi bababa sa pitong ito. Tinulungan ako ng mga ito na lumago nang higit sa inaakala kong posible at naniniwala ako na magagawa rin nila ito para sa iyo. 


Umaasa ako at dumadalangin na matututunan mong mahalin ang Salita ng Diyos na may isang matinding pagnanais. At sa huli, na ito ay magiging tunay na ilawan ng iyong mga paa at liwanag sa iyong landas. 


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How To Study The Bible (Foundations)

Napakadali nating makaramdam ng kabigatan, kakulangan ng kaalaman o kung minsan ay pagkaligaw pagdating sa Salita ng Diyos. Ang aking layunin ay mapadali ang pag-aaral ng Salita ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng ila...

More

Gusto naming magpasalamat sa Faithspring sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa iba pang impormasyon, pakibisita sila sa http://www.ramosauthor.com/books/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya