Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Papaano Mag-Aral ng Biblia (Mga Pundasyon)Halimbawa

How To Study The Bible (Foundations)

ARAW 2 NG 5

Ang Mabuting Pag-aaral ng Biblia ay Isang Kagawian






Tayo ay nagiging tayo ayon sa kung ano ang paulit-ulit nating ginagawa – Sean Covey






Alam man natin o hindi, ang ating buhay ay nakabatay sa ating mga nakagawian. Kung ano ang kinakain natin, paano tayo tutugon sa kapaguran, o kung pipindutin natin o hindi ang snooze ng orasan – ang lahat ng mga ito ay idinidikta ng ating mga gawi na pinapayagan natin sa ating buhay. 



Isinulat ng may-akda na si Charles Duhigg na humigit-kumulang 45% ng lahat ng ginagawa natin sa isang araw, araw-araw, ay nakagawian. Kung ikaw ay may mabubuting gawi, kung gayon ito ay nagpapatibay. Ngunit kung ang iyong mga gawi ay hindi ang gusto mo, ibig sabihin, kalahati ng mga desisyon na nagkaroon ka ng pagkakataong gawin ay napili na para sa iyo (at ito'y hindi magandang pagpili). 



Sinasabi ko ito sa iyo dahil gusto ko na maunawaan mo kung gaano kahalaga ang regular na pag-aaral ng Salita ng Diyos. 



Bakit lubhang mabisa ang mga higante ng pananampalataya na nakikita natin sa Banal na Kasulatan? Dahil ang oras na kasama ang Diyos at oras sa Kanyang Salita ay ang hindi matatawarang bahagi ng kanilang bawat araw. 



Sa kabila ng lahat na pagkakamali na ginawa ni Haring David, siya ay patuloy na bumabalik sa Salita ng Diyos, isinasaayos ang kanyang buhay ayon sa sinasabi nito, at nakakaimpluwensiya sa kasaysayan ng Israel dahil dito.



Si Pablo ay lumaki na isang masigasig na Pariseo na nabuhay at kasama ang Kasulatan. At sa sandaling binago ni Jesus ang kanyang buhay, siya ay lumapit sa Salita ng Diyos nang may isang buong bagong pagtitiwala at natupad ang layunin ng kanyang buhay dahil dito.



Kung sinuman ang maaaring magpalampas sa isang araw-araw na kagawian sa Biblia, si Jesus iyon. Ngunit paulit-ulit nating nakikita si Jesus na tumatakas upang magbasa at manalangin nang tahimik. Naunawaan Niya, nang higit sa sinuman sa atin, kung gaano kalalim kailangan ng sangkatauhan na pasiglahin ang pakikipagtagpo sa banal. 






Pro-Tip: Nahihirapan ka bang patuloy na basahin ang iyong Biblia? Iwan itong nakabukas at ilagay ito malapit sa pintuan ng iyong silid-tulugan o kusina. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan lamang ng paggawa ng iyong normal na pang-araw-araw na gawain makakabasa ka ng kahit 1 talata habang naglalakad ka. Ang layunin ng paglikha ng isang matatag na kagawian sa Biblia ay gawin itong simple (1 talata) at nakikita (nakabukas na at nasa iyong daraanan).  


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

How To Study The Bible (Foundations)

Napakadali nating makaramdam ng kabigatan, kakulangan ng kaalaman o kung minsan ay pagkaligaw pagdating sa Salita ng Diyos. Ang aking layunin ay mapadali ang pag-aaral ng Salita ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng ila...

More

Gusto naming magpasalamat sa Faithspring sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa iba pang impormasyon, pakibisita sila sa http://www.ramosauthor.com/books/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya