Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - KarununganHalimbawa

Seeking Daily The Heart Of God - Wisdom

ARAW 4 NG 5

Ang Yaman ng Karunungan 



Ang Karunungan ay parang pera. Ang halaga nito ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Kung lagi kang nagdadagdag ng karunungan sa iyong buhay, ikaw ay magiging mayaman sa mga pamamaraan ng Diyos. Kaya mahalagang ikaw ay kumuha ng karunungan higit sa anupaman sa buhay mo. Ang karunungan ang nagbibigay ng daan para maunawaan ang tama at mali at maintindihan kung ano ang totoo at pangmatagalan. Ito ang iyong kakampi na tutulong sa iyo para talunin ang kalaban. Si Satanas ay walang ngipin sa harapan ng karunungan ng Diyos. Huwag mong subukang talunin ang demonyo gamit ang iyong limitadong pag-unawa. Sa halip, talunin mo siya gamit ang armas ng karunungan. Ang buhay na nabuo sa pundasyon ng karunungan ay mananatiling nakatayo sa kabila ng mga pagbabago at mga alon ng kahirapan (Kawikaan 28:26). Ang karunungan ay nagpapanatili sa iyo sa pananaw ng Diyos. Ito ay isang tagapag-alaga ng buhay para sa nalulunod, nagbibigay ng direksyon para sa mga nawawalang manlalakbay, ang ilaw sa isang madilim at nakatatarantang sitwasyon. 



Ang karunungan ay parang ginto, at ang ginto ay hindi laging madaling hanapin. May halagang dapat bayaran. May halagang dapat bayaran sa proseso ng pagdiskubre at sa pagkuha nito. (Kawikaan 16:16). 



Ang puting buhok ay hindi ginagarantiyahan ang karunungan, ngunit ang karanasang dumaan sa pagsusuri ay naglalagay sa iyo sa isang posisyon kung saan makakakuha ka ng karunungan. Posibleng maging matandang walang alam o maging marunong higit pa sa iyong edad. Bata o matanda, matalino o may sapat na IQ, alinman dito, pwede kang kumuha ng karunungan. 



Ang karunungan ay nagsisimula at nagtatapos sa pagkakaroon ng takot sa Diyos. Ang takot sa Diyos ay nangangahulugang nakikipag-ugnayan ka sa Kanyang pagtuturo kasama ang iyong puso at isip (Kawikaan 15:33). Ang karunungan ay nagbabawal sa isang maluwag na relasyon sa Diyos. Ang karunungan ay nangangahulugang iyong pinagninilayan ang Kanyang mga paraan at katotohanan. Ikaw ay nananalangin at may paggalang na tinatanong Siya kung bakit, ano, at paano dahil ito ay may kaugnayan sa Kanyang paraan ng paggawa ng mga bagay. Bilang tagasunod ng Diyos, mayroon tayong kaisipan ni Cristo. Sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa Kanyang Salita at pag-unawa sa Kanyang katotohanan, ang karunungan ay magsisimulang maghari sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, hahayaan ka ng karunungan na gumawa ng maramihang mga pagpipilian sa pinakamahusay na kurso ng pagkilos.



Maaaring magbigay ng mga simpleng solusyon ang karunungan para sa isang masalimuot na sitwasyon. Ang karunungan ay may kapansin-pansing kakayahang bumagtas sa patung-patong na plano at motibo, upang makarating sa tunay na mga isyu. Ang karunungan ang matalinong tagapagtanggol ng isip at katotohanan. Ito ay praktikal. 



Ang karunungan ay nagmula sa Diyos at naninirahan sa Kanya. May tatak Siya ng pagmamay-ari nito. Sino man ang magtangkang umangkin para sa pagiging epektibo nito ay maaring manganib na mawalan ng karapatang gamitin ito. Ang kapakumbabaan na pinapangunahan ng karunungan ay humahantong sa matalinong paggawa ng desisyon. Maglaan ng oras at matuto mula sa matatalinong tao. Maaari kang iligtas nito sa sakit ng puso mula sa pagkalugi o pagkawala ng pera dahil sa masamang desisyon. Maging matalino; makinig sa Diyos pati na sa Kanyang matatalinong tagapayo. 



Kumukuha ka ng karunungan para makapagbigay ng karunungan, upang maibahagi ang kayamanan ng karunungan sa mga taong nakapagpapangasiwa nito nang maayos. 


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Seeking Daily The Heart Of God - Wisdom

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso ng Diyos ay isang 5 araw na babasahing gabay na ang layunin ay humikayat, humamon, at tulungan tayo sa araw-araw na pamumuhay. Tulad ng sinabi ni Boyd Bailey, "Hanapin mo ang Diyos kah...

More

Nais naming pasalamatan si Boyd Bailey kasama ang Wisdom Hunters sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: https://www.wisdomhunters.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya