Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa

Hearing The Voice Of God

ARAW 2 NG 11

Ang Bunga ay Nagmula sa Malalim na Ugat



Basahin ang talata para sa araw na ito.



Sa panahon ng tagsibol, ang lahat ng damo sa Southern California ay nagiging berde, ang mga wildflower at poppies ay namumulaklak, at ito ay tunay maganda. Ngunit sa sandaling huminto ang ulan, ang mga burol ay nagiging kayumanggi muli. Bakit? Sapagkat ang damo ay walang ugat. Hindi ito makababa ng malalim upang makakuha ng tubig mula sa mga bukal na malalim sa ilalim ng lupa.



Kapag walang mga ugat, kapag ang isang halaman ay nasa mababaw na lupa, maaari itong unang umusbong at maganda ang hitsura, ngunit hindi ito tumatagal. Mabilis na nalalanta ang mga halaman dahil wala silang mga ugat.



Sinasabi sa Lucas 8:13, ““Ang mga nalaglag naman sa batuhan ay ang mga nakarinig ng Salita at tumanggap nito nang may kagalakan, ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang puso. Sandali lamang silang naniwala, kaya't dumating ang pagsubok, sila'y tumiwalag.”(RTPV05).



Maraming beses nating naririnig ang Salita ng Diyos at nasasabik tungkol dito, ngunit hindi natin pinahihintulutan na baguhin tayo nito. Bahagya lamang tayo kumilos. Emosyonal ang reaksyon natin. Tayo ay kumikilos nang pabigla-bigla. Ngunit hindi tayo naglalaan ng oras upang hayaan itong maintindihan natin.



Gusto mo ba talagang maging ganyan? Hindi! Gusto mong maging isang malalim na tao, hindi isang mababaw na tao. Nais mong maging isang taong may malalim na espirituwal na ugat upang kapag dumating ang krisis at tumagal ng ilang taon, maaari kang magpatuloy sa pamumunga. Kapag dumating ang malalakas na hangin at may nagkasakit sa iyong pamilya o may namatay, hindi ka tinatangay ng pagsubok, dahil may mga ugat ka.



Paano ka nagkakaroon ng espirituwal na mga ugat? Mayroong dalawang paraan: isang araw-araw na oras kasama ang Diyos at isang lingguhang oras kasama ang maliit na grupo ng ibang mga mananampalataya. Kailangan mong gumugol ng oras na mag-isa kasama ang Diyos, at kailangan mong gumugol ng oras kasama ang ibang mga mananampalataya.



Kung hindi ka gumugugol ng oras kasama ang Diyos sa araw-araw, matutuyo ka at sasabog kapag tumitindi ang kabigatan. Hindi mo ito kakayanin. Kailangan mong maglaan ng oras para makinig sa pang-araw-araw na oras kasama ang Diyos. Kailangan mong umupo at tumahimik. Kailangan mong magbasa ng Biblia at makipag-usap sa Diyos. Magpatugtog ng musika. Kung gusto mong magtala, gawin mo iyon. Anuman ang kinakailangan upang mapanatili ang pagtuon sa Diyos, gawin ito!

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing The Voice Of God

Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang mala...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya