Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakikinig sa Tinig ng DiyosHalimbawa

Hearing The Voice Of God

ARAW 7 NG 11

Kailangang Mong Naisin ang Makarinig mula sa Diyos



Basahin ang mga talata para sa araw na ito.



Hindi mo maririnig ang Diyos maliban kung talagang gusto mo ito. Hindi ko sinasabing pagpipilian ito. Hindi ko sinasabing magiging maganda ito. Ito ay isang mahalagang pangangailangan!



Hindi sasabihin sa iyo ng Diyos ang tungkol sa Kanyang pangarap para sa iyong buhay kung alam Niyang gusto mong makipagtalo tungkol dito. Hindi sinasabi sa iyo ng Diyos kung bakit ka Niya inilagay sa mundo para lang masabi mo, "Hayaan Mo akong mag-isip tungkol dito."



Hindi! Ito ay dapat na isang pangangailangan. Dapat mong sabihin, "Kailangan kong malaman kung bakit ako naririto. Kailangan kong malaman kung ano ang nais Mong gawin ko sa buhay ko. Kailangan kong marinig ang Iyong boses. Kailangan kong makita ang Iyong pangitain."



Isinulat ni Haring David sa aklat ng Mga Awit, “Ang nais kong sundi'y iyong kalooban; aking itatago sa puso ang aral.” (Awit 40:8 RTPV05).



Si David ay masigasig sa kanyang deklarasyon na ang gusto niya higit sa lahat ay parangalan ang Diyos. Ang pagiging masunurin at pagsunod sa Diyos ay hindi mga pagpipilian para sa kanya. Iyon lang ang gustong gawin ni David. Gumamit siya ng mga salita para sa paghahanap sa Diyos tulad ng, "Nasasabik ako rito," "Inaasam ko ito," "Nagugutom ako para dito," at "Ako ay tulad ng isang usa na nauuhaw sa tubig."



Kapag naging desperado ka na, makakarinig ka mula sa Diyos.



Maraming tao ang nakikipag-usap sa Diyos, ngunit hindi sila nakakarinig mula sa Diyos. Para sa kanila, ang panalangin ay isang monologo. Ngunit hindi ka maaaring magkaroon ng isang relasyon kapag ito ay nababalot sa isang monologo mula sa iyo. Paano kung kakausapin ko ang aking asawa, ngunit hindi niya ako kinakausap? Hindi iyon isang relasyon. Kailangan mong makipag-usap. Kasing-halaga ng pakikipag-usap sa Diyos sa panalangin ay ang pakikinig sa Diyos at hayaan Siyang makipag-usap sa iyo. Paano ito nangyayari? Una, kailangan mong hilingin ito nang higit sa anumang bagay.



Sinasabi ng Deuteronomio 4:29, “Gayunman, matatagpuan ninyong muli si Yahweh kung siya'y buong puso ninyong hahanapin” (RTPV05). Garantisado!
Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing The Voice Of God

Nais mo bang makarinig mula sa Diyos? Sa seryeng ito, tutulungan ka ni Pastor Rick upang maunawaan ang mga hadlang na pumipigil sa iyo upang makarinig mula sa Diyos at ang mga pagbabagong kailangan mo sa buhay upang mala...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya