Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 50 NG 280

ANG KATIYAKAN NG ATING PAG-ASA

Makakapamuhay tayo ng may galak sa kasalukuyan kung alam natin na ang hinaharap ay sigurado na. Bilang mga Kristiyanong magulang, kaya nating kaharapin nang may panatag na kalooban ang mga pagsubok ng buhay sapagkat alam natin na walang anumang bagay dito sa mundo ang makakapaglayo sa atin sa buhay na walang hanggan kasama ang Diyos. Kapag nakakaranas ng pagkadismaya at kabiguaan ang inyong mga anak — mababang grado sa report cards, pagkatalo sa laro, pakikipaghiwalay sa kasintahan, di pagkakaunawaan sa mga kaibigan — ibigay natin sa kanila ang mensaheng ito ng pag-asa.

Nahahayag ang ating pananampalataya sa kung paano tayo tumutugon sa mga kaganapan sa araw araw na buhay. Minsan ay nakakalimutan natin ang kahihinatnan ng mga taong nagtitiwala sa Diyos. Tayo ay mabubuhay at maghaharing kasama Niya at para sa Kanya. Ang kinabukasan ay may katiyakan.

Sa mga pagsubok man o sa tagumpay, magsaya kayo sa pag-asang hatid ng bukas at ipasa ninyo ang kagalakang ito sa inyong mga anak.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com