Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MGA KUWENTO NG PANANAMPALATAYA
Nakakamangha kung gaano natin kabilis malimutan o balewalain ang mga paraan kung paano naging tapat sa atin ang Diyos. Nalilingat tayo, kinakaya mag-isa ang mga bagay o naaabala ng bagong problema. Alam ng Diyos ang mga ugaling ganito ng tao. Iyan ang dahilang kung bakit inuutos Niyang aktibo nating gunitain ang Kanyang mga pagpapala. Higit pa roon, inuutos Niyang ibahagi natin ang mga kuwentong ito sa ating mga anak. Natututo ang mga anak sa ating halimbawa. Kung minomodelo ng mga magulang ang pananampalataya na buhay at totoo, higit sa ating inaasahan ang magiging impluwensiya nito sa kanila.
Pinag-uusapan sa Efeso 6:16 ang paggamit ng panangga ng pananampalataya sa pagdepensa laban sa diablo. Ang panangga ng pananamalataya ng inyong pamilya ay maaaring kumpunihin gamit ang mga kuwento ng katapatan at probisyon ng Diyos.
Maglaan ng oras upang maibahagi sa inyong mga anak ang maraming pamamaraan ng pagpapala ng Diyos. Ito ay magpapatibay sa inyo at magiging halimbawa sa kanila.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com