Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Maliwanag na Pakikipagtipan: Mga Hangganan, Pagtatalik & RealidadHalimbawa

Dating In Black & White: Boundaries, Sex & Reality

ARAW 3 NG 5

  



Huwag Alisin ang Kasunduan sa Pagtiwalag



Mahalagang magkaroon ng kasunduan sa pagtiwalag sa iyong pakikipag-date. Itinakda ang mga ito upang makausad ka sa iyong pakikipagrelasyon kung sakaling magkaroon ng isyu sa kalaunan kung saan maaari kang maging miserable sa hinaharap at makasira ng pagsasama. Mahalaga rin na malaman ang mga lugar o mga isyu na maaaring pagkasunduan nang walang sama ng loob.



Maraming tao ang hindi maintindihan kung ano ang mga kasunduan sa pagtiwalag at kung paano ito naglalayong makatulong sa iyo at hindi makasama. Ang isang kasunduan ng pagtiwalag ay isang bagay na itinatag mo bilang isang indibidwal bago ka masyadong magkaroon ng emosyonal na koneksyon sa isang taong iyong idini-date, bago ka umibig nang lubusan. Kadalasan, ang mga tao ay mabilis na nasasangkot at nakakalimutan nilang bigyang-pansin ang mga palatandaan at mga isyu o ang mga nakakaalarmang marka na maaaring potensyal na makasira sa relasyon. O mas masahol pa, nakikita nila ang mga ito ngunit ito'y kanilang binabalewala. 



Ang isang kasunduan sa pagtiwalag ay malinaw; walang lugar para sa kompromiso. Ito ang isang bagay (o maraming mga bagay) na hindi mo papayagan sa iyong pakikipagrelasyon. Ang mga kasunduan sa pagtiwalag ay maaaring binubuo ng parehong mga espirituwal at praktikal na mga bagay, at dapat itong maitatag habang ikaw ay nasa isang mabuting kalagayan ng pag-iisip, bago ka maging masyadong malapit sa isang tao. 



Ang mga taong may tendesiyang huwag pansinin ang mga kasunduan sa pagtiwalag ay may tinatawag na "emosyonal na pagkabulag." Handa silang makipag-kompromiso sa isang lugar na may potensyal na makasira ng isang bagay sa kanilang hinaharap. Ito ay isa pa ring magandang dahilan upang magkaroon ng mga kapareha sa pananagutan habang nakikipagtipan; hindi sila madaling kapitan ng emosyonal na pagkabulag tulad mo.



Gumugol ng ilang oras ngayon upang isulat ang iyong mga kasunduan sa pagtiwalag upang magamit mo ang mga ito bilang isang sanggunian sa iyong pakikipag-date. Mahalagang tukuyin kung ano ang iyong mga kasunduan sa pagtiwalag, dahil ang mga ito ay natatangi para sa iyo. 



Kailangan mo ring malaman na kung nakatagpo ka ng isang taong sumira sa kasunduan ng pagtiwalag, mayroon kang lakas na lumayo sa relasyon at hindi manatili rito. Huwag hayaan ang takot na hindi ka na kailanman makakahanap ng isang tao na maging dahilan upang manatili sa maling tao. 



Oo, maaari itong maging isang nakakainis at mahirap na pagpiling gagawin, ngunit mas magiging masaya ka sa katagalan kapag natuto kang tumayo para sa iyong sarili. 



Kung ikaw ay walang asawa, maglaan ng ilang oras ngayon at ilista ang mga bagay na napakahalaga sa iyo na hindi mo ikokompromiso sa isang relasyon. 



Kung nakikipag-date ka na sa isang tao, suriin ang iyong relasyon at tiyaking hindi mo pinalalampas ang anumang mga kasunduan sa pagtiwalag. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Dating In Black & White: Boundaries, Sex & Reality

Pagod na sa mga pakikipagtipang nagdadala ng kasawiang palad, pagkabigo, at malaking pagkawasak? Ang limang-araw na debosyonal na ito ay direktang magsasabi at maglalatag ng isang praktikal na plano na makakatulong sa pa...

More

Nais po naming pasalamatan sina Adonis Lenzy at Heather Lenzy sa paglalaan ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bumisita sa http://www.adonislenzy.com/product/dating-in-black-white-book-autographed-copy/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya