Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Maliwanag na Pakikipagtipan: Mga Hangganan, Pagtatalik & RealidadHalimbawa

Dating In Black & White: Boundaries, Sex & Reality

ARAW 2 NG 5

  


Mas Mabuti ang Pakikipagtalik kung may Hangganan


Palaging tandaan, sila ay iyong ka-date lamang, hindi pa katugma ng iyong puso.


Ang pakikipagtalik ay nilikha ng Diyos at maaaring masiyahan nang walang pagkakasala, kahihiyan, o mga kahihinatnan kapag nagawa ito sa loob ng tipan ng kasal. Kapag naganap ang kilos ng pakikipagtalik sa labas ng tipan ng kasal, binubuksan nito ang pintuan para sa mabilis na paglaganap ng epekto nito sa emosyon, mga problema, at damdamin ng pagkakasala at kahihiyan. 


Ang Diyos ay isang mapagpatawad na Diyos at, oo, mayroong kapatawaran ang sekswal na kasalanan. Ang malaking problema ay, kung minsan, tumatagal ng mga linggo, buwan, o kahit na mga taon upang makalaya mula sa pagkakaugnay ng mga kaluluwa at ang mga dalahing kasama nito. Iyan ang dahilan kung bakit binibigyan tayo ng babala ng Diyos sa Kanyang Salita upang tumakbo mula sa sekswal na kasalanan. 


Maglagay ng ilang mga praktikal na pangangalaga sa lugar upang maprotektahan ang bawat isa sa inyo. Kung ang ibang tao ay labag sa mga pangangalagang ito, baka wala silang pakialam sa iyo di gaya ng inaasahan mo.


1. Manatiling nakadamit anuman ang mangyari.


Magtiwala ka sa akin, walang mangyayaring maganda kung tatanggalin mo ang iyong kasuotan maliban kung kayo ay kasal na. Kung nais mong panatilihing malinis ito, panatilihin ang iyong mga damit. Ang aking guro sa Sunday School ay minsang nagsabi, "Walang balat, walang kasalanan." Seryoso, ito ay isang lugar na madalas nating maliitin. Kapag natawid mo ang linyang iyon, ito ay katulad ng pagpapaputok ng mga makina ng isang 747 jumbo jet.


2. Iwasan ang pakikipaghalikan.


Ang pakikipaghalikan ay maaaring maging isang sekswal na obsesyon. Alamin ang iyong limitasyon at pagkatapos ay manatili na mga isang milya ang layo mo mula rit. Seryoso, Cristiano o di-Cristiano, ang iyong laman, kung wala sa kontrol, ay maaaring hindi mapigilan. Magkaroon ng isang listahan ng mga kailangan bago ka humalik. Ang paghalik na nakatayo sa isang mailaw na lugar ay naiiba sa paghalik habang nasa iyong kama o nasa dilim sa iyong sala. Napakadali para sa isang sitwasyon na mawala sa kontrol sa loob lang ng ilang segundo. 


3. Huwag makikitulog.


Ang mga pakikitulog ay para sa mga bata. Ikaw ay isang may sapat na gulang at ang iyong mga hormon ay higit nang maunlad. Huwag subukang patunayan sa bawat isa o sa iba pa na ikaw ay malakas at maiiwasan ang pakikipagtalik sa labas ng kasal. 


4. Makipag-usap sa iyong kapareha sa pananagutan.


Tinalakay natin noong una ang kahalagahan ng pananagutan. Nariyan ang taong iyon upang makatulong na gabayan ka sa iyong relasyon. Kapag nakakaramdam ka ng malakas na simbuyo o pagnanasa, makakatulong sila na mapalakas ang mga hangganan at mag-alok ng karunungan at mahusay na pagtuturo. Kapag hindi mo nakikita ang dapat ay kitang-kita na dahil masyado kang emosyonal, nakakapagdala sila ng maayos na payo sa gitna ng iyong mga damdamin.


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Dating In Black & White: Boundaries, Sex & Reality

Pagod na sa mga pakikipagtipang nagdadala ng kasawiang palad, pagkabigo, at malaking pagkawasak? Ang limang-araw na debosyonal na ito ay direktang magsasabi at maglalatag ng isang praktikal na plano na makakatulong sa pa...

More

Nais po naming pasalamatan sina Adonis Lenzy at Heather Lenzy sa paglalaan ng planong ito. Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bumisita sa http://www.adonislenzy.com/product/dating-in-black-white-book-autographed-copy/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya