Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Tama Na: Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong KumpiyansaHalimbawa

Enough: Silencing Lies That Steal Your Confidence

ARAW 5 NG 7

Palitan ang Mga Kasinungalingan ng Katotohanan


Matapos mabautismuhan si Jesus ng pinsang si Juan, nabuksan ang langit, bumaba ang isang kalapati, at nagsalita ang Diyos: “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.” (Lucas 3:22). 



Agad-agad, Si Jesus ay dinala sa ilang upang makaharap ang Kanyang mortal na kaaway—ang diyablo. Dumating siya upang sumira. Sa Mateo 4 mababasa natin ang:



Siya'y nag-ayuno sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi kaya't siya'y nagutom. Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’” (4:2-4).

Sandali lang. Anong ibig niyang sabihing, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos,...”? Hindi ba't kasasabi lang ng Diyos ng “Ikaw ang minamahal kong Anak…” Oo, sinabi Niya. Kaibigan, ganito rin ang gagawin ng manlilinlang sa'yo. Kapag nasimulan mo nang mapanghawakan ang katotohanan ng iyong totoong pagkakakilanlan kay Cristo at ng mga makapangyarihang pangako ng Diyos, sasabihin sa'yo ng diyablo ang, Kung anak ka ng Diyos…



Tutugunin Niya ang iyong panalangin.



Ibibigay Niya ang nais mo.



Paliligayahin ka Niya.



Gagawin ka Niyang matagumpay.



Gagawin Niyang…



Alam ng diyablo kung sino ka at ang mayroon ka bilang isang anak ng Diyos. Ang pakay niya ay ang magduda ka at pag-alinlanganan ang katotohanan.



Paano tinalo ni Jesus ang diyablo? Inilabas Niya ang tabak ng Espiritu—ang Salita ng Diyos—at isinaksak sa kasinungalingan ni Satanas. Nakilala Niya ang kasinungalingan, itinakwil ang kasinungalingan, at pinalitan ang kasinungalingan ng katotohanan. Sa bawat panunukso ng diyablo sa ilang, lumaban si Jesus gamit ang mga salitang, “Nasusulat.” Tinanggihan Niya ang ang mga kasinungalingan at pinalitan ang kasinungalingan ng katotohanan. (4:6, 4:7).



Talunan, isinukbit ni Satanas ang kanyang buntot at tahimik na umalis upang maghintay ng mas magandang pagkakataon (Lucas 4:13). 



Ganyan din ang ginagawa ng diyablo sa atin ngayon. Nasa atin na ang sumunod sa halimbawa ni Jesus: kilalanin ang kasinungalingan, itakwil ang kasinungalingan, at palitan ang kasinungalingan ng katotohanan. Wala nang magagawa ang kaaway kundi ang umatras at umalis.



Anong mga kasinungalingan ang kailangan mong palitan ng katotohanan ngayon?


Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Enough: Silencing Lies That Steal Your Confidence

May mga tinig ba sa iyong isip na nagsasabing hindi ka sapat, sapat na matalino, sapat na maganda...basta lang hindi sapat. Isinisiwalat ng popular na manunulat at tagapagsalitang si Sharon Jaynes ang mga kasinungalingan...

More

Nais naming pasalamatan si Sharon Jaynes at ang Harvest House Publishers para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/enough-9780736973540

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya