Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Tama Na: Patahimikin ang Mga Kasinungalingang Nagnanakaw ng Iyong KumpiyansaHalimbawa

Enough: Silencing Lies That Steal Your Confidence

ARAW 4 NG 7

Itakwil ang Mga Kasinungalingan


Marami sa mga kasinungalingang nagpapagulung-gulong sa ating mga isipan ay matagal nang naroon. Maaaring hindi man lang natin alam kung ano ang pinagmulan ng mga ito. Ang makakapit at walang lubay na mga kaisipang ito ay maaaring maging ang mga tinatawag na “kuta.” Ang Griyegong salita para sa kuta ay echo, na ang ibig sabihin ay, “kumapit nang mahigpit” Hawig ito ng salitang Ingles na echo, at may katulad na pagkahulugan: ang umalingawngaw nang paulit-ulit sa isipan ng isang tao. 



Halaw sa parehong salita, ang echuroma, ay nangangahulugan ng “isang kuta, tanggulan, muog.” Ang kuta ay isang pamamaraan ng pag-iisip na bumubuo ng muog sa palibot ng isip, at ibinibilanggo ito sa maling pag-iisip. Ito ay nabubuo sa mga tisang pinagpapatong-patong sa paulit-ulit na maling pag-iisip o sa minsanang traumatikong pangyayari, tulad ng panggagahasa, pangmomolestiya, o pang-aabuso. 



Ang mga pamamaraan ng pag-iisip na ito ay may potensyal na sunggaban ang isang isip at pamahalaan ang isang buhay. Ang maraming kuta ay itinatatag para sa proteksyon, ngunit hindi maiiwasang kalauna'y maging bilangguan ang mga ito. 



Sa Lumang Tipan, ang kuta ay isang pinatibay na tirahan para sa proteksyon laban sa isang kaaway (1 Samuel 22:4; 23:14). Sa Bagong Tipan ginagamit ni Pablo ang paglalarawan sa Lumang Tipan ng muog upang ilarawan ang isang istraktura na nagpapanatili sa Kaaway sa loob imbes na isang istraktura na nagpapanatili sa isang kaaway salabas. Ang isang hindi maka-Diyos na kaisipan ay maaaring maging tuluyan ng Kaaway. 



Kapag pinag-uusapan natin ang mga kuta, hindi natin pinag-uusapan ang mga nagkataon lang naisip o paminsan-minsang kasalanan. Ang isang kuta ay pamamaraan ng pag-iisip o paulit-ulit na kasalanan. Ito'y isang muog na binubuo ng mga tisa ng mga kaisipan na pinagdurugtong ng semento ng mga emosyon. Ang mga kuta ay nagiging pananaw ng reyalidad natin.



Ang isang kuta ay maaaring isang kaisipan tulad ng:



Wala akong kwenta.



Walang nagmamahal sa akin.



Wala akong ginawang tama.



Ikinukulong ka ng Kaaway sa pag-asang hindi mo aabutin ang susing abot-kamay mo—isang paniwala lang ang layo sa'yo. Ngunit sinasabi ng Biblia, “Ang sandatang ginamit namin sa pakikipaglaban ay hindi sandatang makamundo, kundi ang kapangyarihan ng Diyos na nakakapagpabagsak ng mga kuta.” Ang salitang nakakapagpabagsak ay nagpapahiwatig ng isang kapangyarihang napakalakas—kapangyarihan ng Diyos. Hindi natin kayang mapabagsak ang mga kuta sa sarili nating lakas, kahit sa pinakamabubuting araw natin. Ang Espiritu Santo ay kayang magpabagsak ng mga kuta sa Kanyang kapangyarihan kahit sa pinakamasasamang araw natin. Ito ay nagsisimula sa pagkilala ng kasinungalingan, at matapos sa pagdedeklarang, “Hindi iyan totoo.”


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Enough: Silencing Lies That Steal Your Confidence

May mga tinig ba sa iyong isip na nagsasabing hindi ka sapat, sapat na matalino, sapat na maganda...basta lang hindi sapat. Isinisiwalat ng popular na manunulat at tagapagsalitang si Sharon Jaynes ang mga kasinungalingan...

More

Nais naming pasalamatan si Sharon Jaynes at ang Harvest House Publishers para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.harvesthousepublishers.com/books/enough-9780736973540

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya