Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng DiyosHalimbawa

Time Management Principles From God’s Word

ARAW 4 NG 6

Tukuyin kung Ano ang Mahalaga


Nakatikim ng matinding palo si Marta sa ating pangangaral sa taludtod na ito ng Lucas 10. Ngunit ang katotohanan, lahat tayo ay katulad ni Marta paminsan-minsan, nagsusumikap na malaman kung alin ang pinakamahalagang gawaing sa isang ibinigay na oras. Malinaw naman na kailangang maghanda para sa hapunan, at naniniwala akong lubos na ikinatuwa ni Jesus ang magiliw na pagtanggap ni Marta. Hindi naman nangangahulugang hindi mahalaga ang hapunan. Nilinaw lamang ni Jesus na hindi iyon ang pinakamahalagang bagay na maaaring gawin ni Marta o ng kanyang kapatid na si Maria sa sandaling iyon. Ang pinakamahalaga sa sandaling iyon ay ang maturuan sa paanan ni Jesus.


Tulad ng ating nakita kahapon, ang pagsagot sa ating mga pangako, mga gawain at mga proyekto ay isang mahalagang hakbang sa pagkakaroon ng mabisang pangangasiwa ng oras. Ngunit sa sandaling lahat ng iyong mga pangako ay napanagutan mo na, panahon na upang tukuyin kung alin sa mga nasa listahan mo ang mga pinakamahalagang gawain at proyekto. Kailangan sa prosesong ito na malinawan mo kung ano ang pinaniniwalaan mong pagkatawag sa iyo ng Diyos sa panahong ito ng iyong buhay at ng iyong gawain. Kalakip ng kabuuang ito at ng mga namumunong layunin sa isipan mo, tanungin mo ang sarili mo, "Ano ang isang bagay, na kapag natapos na, ay makapagpapadali o magdudulot ng higit na bunga para sa proyektong ito? Ang sagot sa katanungang ito ang pinakamahalagang bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin. Ipagpaliban mo ang lahat hanggang sa matapos mo ang isang gawaing ito. Pagkatapos ay paulit-ulit na gawin ang ganitong proseso.


Noong isinusulat ko ang pinakahuling aklat ko, Called to Create, natabunan ako sa dami ng mga gawaing kailangang gawin upang mailabas ang proyektong ito. Kinailangan kong kumuha ng isang ahente, magbenta sa isang tagapaglathala, magsagawa ng mga panayam, magsulat ng 50,000 salita, gumawa ng plataporma upang maibenta ang aklat, atbp. Ngunit sa simula pa lamang ng proyekto, batid kong kapag hindi ako nakakuha ng isang ahente, walang mangyayari rito. Ang pagkuha ng isang ahente ang pinakamahalagang gawain ko. Kaya't ipinagpaliban kong lahat tungkol sa proyekto hanggang makakuha ako ng ahenteng hahawak sa akin.


Ang totoo, sa kahit saang bahagi ng panahon, kakaunti lamang mga gawain at proyektong tunay ngang mahalaga. Ugaliin ang pagtukoy ng pinakamahalagang dalawa o tatlong bagay sa mga ginagawa mo at iyon ang pagtuunan mo ng iyong pansin hanggang sa ang mga ito ay matapos.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Time Management Principles From God’s Word

Nalulungkot ka ba dahil sa hindi humihigit sa 24 ang mga oras sa isang araw? Natatabunan ka ba sa dami ng mga gawaing nakasulat sa iyong listahan ng mga dapat gawin? Pagod ka na ba sa pagiging pagod at walang sapat na pa...

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/time/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya