Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakiramdam Ko'y Hindi Ako Sapat Ni Pete BriscoeHalimbawa

I Feel Inadequate By Pete Briscoe

ARAW 5 NG 5

Basagin ang mga Limitasyon

Kapag tinanggap natin ang ating mga limitasyon, lumalampas tayo sa mga ito.– Albert Einstein

Kung naisip mo na, Ano ang gustong gawin ni Jesus sa akin? Sasabihin ko na sa iyo ang sagot. Si Jesus ay kumukuha ng mga limitadong tao at gumagawa ng walang limitasyong mga bagay sa pamamagitan nila. Ito ang Kanyang ginawa noon, at ito ang Kanyang gagawin ngayon.

Binabasa natin ang tungkol sa batang nagbigay kay Jesus ng kanyang limang tinapay at dalawang isda, at sa pamamagitan ng mga tinapay na iyon, pinakain ni Jesus ang libu-libo. Maaaring lipas na ang tinapay at malansa ang isda, ngunit ang mahalaga ay nasa kamay ng Panginoon ang mga tinapay ng bata.

Ang nakikita nating "hindi sapat" ay nagiging higit sa sapat kapag inialay kay Jesus.

Kaya't paano mo makikita ito sa pang-araw-araw na buhay?

Ang ilan sa atin ay may mga anak na teenager ngayon. Tinitingnan natin ang ating mga anak at tumitingin tayo kay Jesus at nag-iisip, Bakit Mo hiniling sa akin na palakihin ang batang ito? Parang mali lahat ng ginagawa ko. Iniisip ng aking anak na masama ako, at ako ay nahihirapan.

At sinasabi sa iyo ni Jesus, "Nasa lugar ka kung saan Ko ginusto – ang pagpapalaki sa batang iyan upang maipakita Ko ang kakayanan Ko sa pamamagitan mo. Kaya huwag mabahala. Hayaan mo Akong maging magulang sa pamamagitan mo. Magtiwala ka sa Akin.”

Ang ilan sa atin ay nangunguna sa ministeryo, at nababatid natin ang ating kakulangan. Tayo ay limitado at kumbinsido na ang ating mga limitasyon ay naglilimita sa ating naibibigay sa ating ministeryo.

Alam ni Jesus na hindi ito totoo. Sa katunayan, ang ating mga limitasyon ay nagbibigay sa Kanya ng puwang upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan.

Ang ilan sa atin ay hinihiling na magbigay nang may pagkabukas-palad, ngunit ang tanging naiisip natin ay ang ating limitadong kita. Makinig ka, kahit kakaunti lang ang mayroon ka, magtiwala ka sa Diyos. Ilagay ang kaloob sa Kanyang mga kamay at tingnan kung ano ang Kanyang gagawin.

Kahit na ang mga mumo ay maaaring dumami kapag ang mga ito ay inialay kay Jesus.

Jesus, maaaring tinitingnan ko aking buhay at nakikita ko lang kung ano ang kulang sa akin—oras, pera, talento, at kakayahan. Hayaan Mong makita ko ang aking buhay sa pamamagitan ng Iyong mga mata. Hayaan Mong makita ko na ang lahat ng kakulangan na ito ay perpektong lugar para sa Iyo upang magpakitang-gilas. Salamat sa pag-iimbita Mo sa akin na maging bahagi ng Iyong dakilang plano. Amen.

Pagninilay:

1. Hinihiling ba sa akin ng Diyos na gawin ang isang bagay na sa tingin ko ay hindi ako kuwalipikadong gawin?

2. Kailangan ko bang magtiwala sa Diyos na bigyan ako ng kapangyarihan?

3. Maaari ba akong maging handa para sa Diyos sa kabila ng aking mga pagkukulang at kahinaan?

Kumuha ng higit pang pagtuturo mula kay Pete na may pang-araw-araw na debosyon sa iyong inbox! 

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

I Feel Inadequate By Pete Briscoe

Pakiramdam mo ba ay hindi ka karapat-dapat para sa ipinagagawa sa iyo ng Diyos? Ito ba ay isang bagay na higit sa iyong mga talento, kakayahan o hanay ng kasanayan? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, ibinabahagi ni Pete Briscoe kung paanong ang ating mga limitasyon sa lupa ay hindi kailanman humahadlang sa nais ng Diyos na maisakatuparan sa pamamagitan natin.   Makakaasa tayo na kung tinawag tayo ng Diyos—ihahanda Niya tayo.  

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: https://www.petebriscoe.org/