Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pakiramdam Ko'y Hindi Ako Sapat Ni Pete BriscoeHalimbawa

I Feel Inadequate By Pete Briscoe

ARAW 1 NG 5

Lahat (sila) ay mahusay


Tumanggi na maging karaniwan. Hayaang pumailanglang ang iyong puso nang hanggang kaya nito.– A. W. Tozer


Kailan ang huling pagkakataong hiniling sa iyo na makisali sa isang bagay na higit sa iyong hanay ng kasanayan? Pagkukumpuni ng bahay siguro? Marahil ay hiniling sa iyo ng iyong asawa na magkabit ng towel bar sa banyo isang Sabado ng umaga, na humantong sa pagkatuklas ng isang tumutulong shower pan, isang bulok na subfloor, at amag. At ngayon ay nakatayo ka sa isang tumpok ng mga durog na bato at nag-iisip: Gusto ko lang naman ng lugar kung saan isasabit ang tuwalya ko.


Kailan ang huling beses na hiniling sa iyo ng Diyos na gawin ang isang bagay na higit sa iyong kakayahan? Ang isang oo na sagot ay magdadala sa iyo sa isang tungkulin na tila hindi mo kayang abutin.


Ako ay isang 22-taong-gulang na pastor ng mga kabataan nang humingi sa akin ng payo ang ilang magulang tungkol sa kanilang rebeldeng tin-edyer. Mas matanda lang ako ng apat at kalahating taon sa kanilang anak, at pakiramdam ko ay hindi ako kwalipikado.


Ganito rin ang pakiramdam ko noong, bilang isang senior pastor, naupo ako sa tabi ng isang lalaki na matagal nang pinabayaan ang kanyang asawa kaya sa wakas ay iniwan siya nito. Tinanong niya ako kung ano ang gagawin, ngunit hindi ako sigurado na makakatulong ako.


At muli, ganito ang naramdaman ko makalipas ang ilang taon nang mapagtanto kong napabayaan ko ang sarili kong asawa sa isang antas, at ngayon kailangan kong lumago sa aspetong ito. Hindi ko alam kung saan magsisimula.


Ang karaniwang pakiramdam sa lahat ng mga sitwasyong ito ay ang pakiramdam ng kakulangan. Ang kakulangan ay nagsasabi sa atin na nililimitahan ng ating limitadong mga mapagkukunan ang ating kontribusyon.


Ito ay isang halimbawa na itinuro sa atin simula pa noong tayo'y mga bata. Natutunan natin na may mga mahuhusay na tao na nakagagawa ng mahuhusay na bagay, at may mga karaniwang tao na nakagagawa ng mga karaniwang bagay. At sa kahuli-hulihan, ay may mas malaking grupo ng mga mas-mababa-sa- karaniwan na mga taong gumagawa ng mas-mababa-sa-karaniwang mga bagay.


Ang palaro para sa mga kabataan ay isang pangunahing halimbawa nito. Ang mga mahuhusay na bata ay nakakakuha ng napakaraming oras sa paglalaro, ang mga karaniwang bata ay pinupuno ang mga kakulangan at nagsisilbing pamalit, at ang mga batang mas mababa sa karaniwan ay nananatili sa bangko. Ang mga korporasyon ay isa pang halimbawa: ang mga mahuhusay na tao ay tumataas ang posisyon, ang mga karaniwang tao ay nananatili sa parehong posisyon, at ang mga taong mababa sa karaniwan ay nahaharap sa mga tanggalan.


Ngunit narito ang kailangan kong malaman mo: ang paniniwalang nililimitahan ng ating mga limitasyon ang ating mga kontribusyon ay isang makamundong pag-iisip. Ang kaisipang ito ay walang lugar sa pag-unawa kay Jesus at kung ano ang gusto Niyang gawin sa atin at sa pamamagitan natin.


Jesus, nais kong maging malaya sa kaisipang ito na nakatuon sa nagagawa. Palayain Mo ako sa aking mga limitasyon sa linggong ito habang nalalaman ko kung ano ang ibig sabihin ng magtiwala sa Iyo. Amen.


Makakakuha ng mas marami pang mga turo mula kay Pete sa pamamagitan ng isang pang-araw-araw na debosyon sa iyong inbox! 


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

I Feel Inadequate By Pete Briscoe

Pakiramdam mo ba ay hindi ka karapat-dapat para sa ipinagagawa sa iyo ng Diyos? Ito ba ay isang bagay na higit sa iyong mga talento, kakayahan o hanay ng kasanayan? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, ibinabahagi ni P...

More

Nais naming pasalamatan si Pete Briscoe para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: https://www.petebriscoe.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya