Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen FranklinHalimbawa

Love Like You've Never Been Hurt By Jentezen Franklin

ARAW 6 NG 7

Ika-Anim na Araw



Ang Pinakamaruming Labanan = Ang Iyong Pinakamalaking Tagumpay



Banal na Kasulatan:  2 Samuel 5:8



Kaya't sina David at ang kanyang mga tauhan ay nakatayo sa paanan ng bundok. Isang malaking lugar sa tuktok ang kailangang patagin. Matataas na pader ang nakapalibot sa lunsod. Walang daan papasok dito.



Pagkatapos ay napatingin si David sa paagusan ng tubig. Maaari rin itong ilarawan na isang daanan ng tubig o alulod. At lumingon si David sa kanyang hukbo at sinabi, "Ang unang makaakyat sa alulod . . ."



Nakapaglinis ka na ba ng alulod? Napakahirap na gawain nito. Kapag naisuot mo na ang guwantes na umaabot hanggang sa iyong siko, oras na para magsimulang tanggalin ang walang katapusang bunton ng putik at basura. Lumalabas ang burak at banlik, maliliit na sanga at mga dahon, nalalabing pugad ng mga ibon at kung minsan ay mga maliliit na hayop pa nga. Napakadumi talaga.



Iyan ang handang akyatin ni David. Batid niyang may mas malaking plano ang Diyos. Alam niyang gusto ng Diyos na may gawin siyang higit pa kaysa sa pagharian ang Hebron. Gusto ng Diyos na makuha niya ang Jerusalem.



Sinabi ng Diyos kay David, "Kaya mo ang Hebron, ngunit ako lamang ang may kakayanan sa Jerusalem. At gusto kong umakyat ka doon. Hindi ito magiging madali. Magiging pangit at marumi ito."



Kailangang akyatin ni David ang alulod. Ang tagumpay ay nagmumula sa pinakakakatwang lugar.



Ang pinakaunang umakyat ay ang mandirigmang ang pangalan ay Joab. Sinabi niya, "Sandali lang—buong buhay kong hinintay ito. Sa likod ko kayo, mga bata. Aakyat ako."



At nagsimulang umakyat si Joab.



Nang lumabas siya sa kabilang dulo, maguguni-guni mo na lamang kung gaanong putik at basura ang tumilamsik sa kanya. Sobrang dumi niya. Sobrang baho niya. Ngunit itinaas niya ang mga kamay niya sa tagumpay at sinabi, "Ibinigay sa atin ng Diyos ang bayang ito!"



Nabihag ni David at ng kanyang mga kawal ang bayan ng mga Jebuseo. Basa, mabaho at marumi, nakuha nila ang talagang para sa kanila.



Maaaring may kinakaharap kang pader sa buhay mo. Maaaring sinusubukan mong isalba ang iyong buhay may-asawa. Maaaring sinasagip mo ang iyong relasyon sa napapariwara mong anak. Gaano man kalaki o katindi ang pader na ito, maaari kang palayain ng Diyos. Kaya Niyang ibangon ang iyong pamilya mula sa matinding kapaitan, kahihiyan at hindi pagpapatawad.



Hindi ko alam kung gaano na karumi ang naging pakikidigma mo. Ngunit batid ko na iyon din ang mismong lugar kung saan ang Diyos ay maluluwalhati nang lubos sa buhay mo. Doon darating ang pagpapala.



Ang Malaking Kaisipan:  Ang pinakamaruming pakikidigma sa buhay mo ang nagbubunga ng pinakamalaking tagumpay. 


Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Love Like You've Never Been Hurt By Jentezen Franklin

Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula s...

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://book.jentezenfranklin.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya