Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Magmahal Na Parang Hindi Ka Pa Nasaktan Kailanman ni Jentezen FranklinHalimbawa

Love Like You've Never Been Hurt By Jentezen Franklin

ARAW 5 NG 7

Ika-Limang Araw



Huwag Mong Talikdan ang Diyos Dahil Hindi ka Niya Kailanman Tinalikdan



Banal na Kasulatan:  Isaias 42:16, Mga Awit 9:10



Hindi pinapalitan ng Diyos ang mga taong napinsala. Inaayos ng Diyos ang mga taong napinsala. Hindi Niya gustong itapon tayo. Ang gusto Niya ay baguhin tayo. Gusto Niyang pagalingin tayo. Gusto Niyang ayusin tayo. Ninanais Niyang ipamuhay natin ang mensahe ng krus.



May isang kuwento tungkol sa isang lalaking nagparada ng kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada. Nasiraan siya ng kotse, at nakataas ang takip ng makina nito, habang sinusubukan niyang alamin ang problema. Isang limosina ang pumarada sa likod ng sasakyan, at isang lalaki ang lumabas mula rito. Nakasuot siya ng mamahaling kasuotan, at pinuntahan niya ang drayber ng nasiraang kotse at nagtanong, "Kailangan mo ba ng tulong?" Siyempre, sumagot ng oo ang lalaki. Ang lalaking mula sa limosina ay inayos-ayos ang makina nang kaunti, at laking gulat ng lalaking nasiraan ng kotse, ito ay umandar.

Ang may-ari ng sasakyan ay labis ang pasasalamat, at itinanong niya kung magkanong babayaran niya.



Bagama't may iba't-ibang bersyon ang kuwentong ito, narinig ko ang isa na ganito ang naging tugon: "Wala. Ako si Henry Ford. Ako ang gumawa ng kotseng iyan. Nababahala akong makakita ng isang sasakyang nasiraan sa tabi ng daan, na hindi nito ginagawa ang layunin kung bakit siya nilikha."



Ang Diyos ay hindi basta na lamang dumaraan sa Kanyang karingalan at dinadaanan ka sa tabi ng daan kapag ikaw ay napinsala. Gusto Niyang ihinto ang lahat ng ginagawa Niya at sagipin tayo. Inaasam ng Manlilikhang tubusin ang Kanyang nilikha.



Nababahala ang Diyos kapag nakikita kang hindi ipinamumuhay ang buhay na nilikha Niya para sa iyo. May malaking kagalakan Siya kapag nakikita ka Niyang nagtatagumpay, kapag nakikita ka Niyang umaabante, kapag nakikita Niyang lumalago ang iyong pananampalataya.



Huwag mong tatalikdan ang Diyos dahil hindi Ka Niya tinalikdan kailanman.



Pagtiwalaan mo Siya ngayon. Mahalin mo Siya na parang hindi ka pa nasaktan kailanman. Anumang pinagdaraanan mo, anuman ang nangyari, anuman ang nawala o ang sakit na nararamdaman mo sa iyong puso, hindi ito ang panahon upang sumuko. Patibayin mo ang loob mo. Kung magpapatuloy kang magtiwala sa Kanya, hindi ka Niya hahayaang bumagsak. Hindi Niya hahayaang madapa ka. Hindi Niya hahayaang sumuray-suray ka. Ilalabas ka Niya sa disyerto nang may paninindigan.



Ang Malaking Kaisipan:  Mahalin ang Diyos na parang hindi ka pa kailanman nasaktan.


Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Love Like You've Never Been Hurt By Jentezen Franklin

Hindi isang lihim na ang mga taong pinakamalalapit sa atin ang siyang nakasasakit sa atin nang lubos. Lubhang naapektuhan ng pagtataksil, nagtatayo tayo ng mga pader sa paligid ng ating mga puso upang ingatan tayo mula s...

More

Nais naming pasalamatan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://book.jentezenfranklin.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya